[go: up one dir, main page]

Laguna de Bay

(Idinirekta mula sa Lawa ng Laguna)

Ang Lawa ng Laguna o Laguna de Baý (Tagalog: Lawa ng Baý) ay ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas at pangalawa sa pinakamalaking panloob na sariwang-tubig na lawa sa Timog-silangang Asya, pumapangalawa lamang sa Lawa ng Toba ng Sumatra, Indonesia. Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon sa pagitan ng mga lalawigan ng Laguna sa timog at Rizal sa hilaga. Matatagpuan ang Kalakhang Maynila sa kanlurang baybayin. Nasa 949 kilometro ang lawak ng ibabaw init at mayroong pangkaraniwang lalim na 2 metro.

Lawa ng Laguna.
Mapa ng Pilipinas at ang lalawigan ng Laguna na sakop ng CALABARZON.
Ang Lawa ng Laguna na pinapaikutan ng lalawigan ng Laguna at Rizal at ng Metro Manila sa may Hilagang-kanlurang bahagi.

Parang titik “W” ang lawa, kasama ang dalawang tangway na lumalabas na pasulong na pahaba mula sa hilagang pampang. Dumadaloy ang Lawa ng Laguna patungong Look ng Maynila sa pamamagitan ng Ilog Pasig. Maraming mga kulungan ng isda ang lawa na ginawa ng mga mangingisda na malimit na mangisda doon.

Mayroong tatlong pulo sa lawa, ang pulo ng Talim, na kabilang sa isang bahagi ng bayan ng Binangonan at Cardona sa lalawigan ng Rizal, pulo ng Calamba, isang pribadong lugar at ginawang isang eleganteng Isla ng Calamba, at pulo ng Los Baños.

Lumang pangalang Kastila ang Laguna de Bay para sa Lawa ng Bay. Isang bayan ng Laguna ang Bay (binibigkas bilang bä'ï). Pulilan ang pangalan nito bago dumating ang mga Kastila sang-ayon sa dokumento noong 1613 na Vocabulario de Lengua Tagala na ipinalimbag sa Pila, Laguna.

Ang Laguna Lake Development Authority, itinatag noong 1966, ay isang katawan ng pamahalaan na may pananagutan sa pagtaguyod, pagsusulong at pagpapanatili sa lawa at pagsapo ng tubig nito.

Tingnan rin

baguhin

Kawing panlabas

baguhin