[go: up one dir, main page]

14°35′40″N 120°57′20″E / 14.59444°N 120.95556°E / 14.59444; 120.95556

Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula sa Laguna de Bay (sa pamamagitan ng Kanal ng Napindan) patungong Look ng Maynila. May haba na 25 kilometro at hinahati ang Kalakhang Maynila sa dalawa. Ang Ilog Marikina at Ilog San Juan ang pangunahing mga sanga nito.

Ilog Pasig (Ilog Pasig)
Ilog Pasig malapit sa distrito ng Quiapo.
Bansa Pilipinas
Mga rehiyon Kalakhang Maynila, Calabarzon
Tributaries
 - left Ilog Pateros-Taguig, Ilog San Juan
 - right Ilog Marikina, Ilog Napindan
Cities Maynila, Lungsod ng Makati, Lungsod ng Mandaluyong, Lungsod ng Pasig, Lungsod ng Taguig
Source Laguna de Bay
 - coordinates 14°31′33″N 121°06′33″E / 14.52583°N 121.10917°E / 14.52583; 121.10917
Bibig Look ng Maynila
 - location Maynila
 - elevation m (0 ft)
 - coordinates 14°35′40″N 120°57′20″E / 14.59444°N 120.95556°E / 14.59444; 120.95556
Haba 27 km (17 mi)
Lunas (basin) 570 km² (220 sq mi)
Mapa ng drainage basin ng Ilog Pasig

Dating isang mahalagang ruta pang-transportasyon sa Kastilang Maynila. Dahil sa kapabayaan at pagpapaunlad ng mga industriya sa paligid nito, nasalaula at tumaas ang polusyon at itinuturing na patay na ilog ng mga ekolohista. Itinatag ang Komisyon sa Pagbubuhay ng Ilog Pasig (Pasig River Rehabilitation Commission - PRRC) upang pamanihalaan ang pagsisikap na buhayin ang Ilog. Kabilang sa mga tumutulong sa PRRC ay ang mga samahang pribado gaya ng Clean and Green Foundation, Inc. na nagsagawa ng kampanyang Piso para sa Pasig.

Katangian

baguhin
 
Pasilangang tanawin ng Ilog Pasig mula EDSA sa Guadalupe, Makati

Dumadaloy ang Ilog Pasig sa pangkahalatan pahilagang-kanluran sa tinatayang 25 kilometro (15.5 mi) mula sa Lawa ng Laguna, ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, patungo sa Look ng Maynila, sa katimugang bahagi ng pulo ng Luzon. Mula sa lawa, ang ilog ay dumadaloy sa pagitan ng Lungsod ng Taguig, at ng Taytay, Rizal, bago pumasok sa Lungsod ng Pasig. Ang bahaging ito ng Ilog Pasig, sa may bukana ng Ilog Marikina, ay kilala bilang Ilog Napindan o Napindan Channel. Mula doon, ang ilog ay bubuo ng hangganan sa pagitan ng Lungsod ng Makati sa timog, at sa Lungsod ng Pasig, na susundan naman ng Lungsod ng Mandaluyong sa hilaga. Kasunod nito ang palikong bahagi na pahilagang-silangan, kung saan ay magiging hangganan ng Lungsod ng Mandaluyong at Maynila bago muling liliko pakanluran, upang salubungin ang isa pang pangunahing daloy mula sa Ilog San Juan, at pagkatapos ay liku-likong dadaloy na sa gitna ng Maynila bago lumabas ng look.

Ang nag-iisang pulo na humahati sa ilog Pasig, ay matatagpuan sa Lungsod ng Maynila, kung saan nakatayo ang Hospicio de San Jose.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang Ilog Pasig noong 1899

Bago ang malawang urbanisasyon ng Maynila, isang mahalagang rutang pantransportasyon ang Ilog Pasig; ito ang dating sentro ng mga aktibidad sa lungsod. Ang ilan sa mga tanyag na kaharian sa kasaysayan ng sinaunang Pilipinas, kasama na ang mga kaharian ng Namayan, Maynila, at Tondo ay nabuo sa mga pampang ng ilog, kung saan sila kumukuha ng kanilang kabuhayan. Nang itatag ng mga Kastila ang Maynila bilang kabisera ng kanilang kolonya sa Dulong Silangan, ginawa nila ang Intramuros sa katimugang pampang ng Ilog Pasig malapit sa lagusan nito sa look ng Maynila.

Tingnan rin

baguhin

Panlabas na kawing

baguhin

Pilipinas  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.