Joe Biden
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Si Joseph Robinette "Joe" Biden, Jr. (isinilang Nobyembre 20, 1942) ay isang politiko at ang ika-46 Pangulo ng Estados Unidos. Nagsilbi siya bilang ika-47 Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos mula taong 2009 hanggang taong 2017. Siya rin ang kauna-unahang Pangalawang Pangulo na Katolikong Romano, at kauna-unahang Pangalawang Pangulo na galing sa Delaware.
Joe Biden | |
---|---|
ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Enero 20, 2021 | |
Pangalawang Pangulo | Kamala Harris |
Nakaraang sinundan | Donald Trump |
ika-47 na Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto Enero 20, 2009 – Enero 20, 2017 | |
Pangulo | Barack Obama |
Nakaraang sinundan | Dick Cheney |
Sinundan ni | Mike Pence |
Senador ng Estados Unidos mula Delaware | |
Nasa puwesto Enero 3, 1973 – Enero 15, 2009 | |
Nakaraang sinundan | J. Caleb Boggs |
Sinundan ni | Ted Kaufman |
Chair of the Senate Foreign Relations Committee | |
Nasa puwesto Enero 3, 2007 – Enero 3, 2009 | |
Nakaraang sinundan | Richard Lugar |
Sinundan ni | John Kerry |
Nasa puwesto Hunyo 6, 2001 – Enero 3, 2003 | |
Nakaraang sinundan | Jesse Helms |
Sinundan ni | Richard Lugar |
Nasa puwesto Enero 3, 2001 – Enero 20, 2001 | |
Nakaraang sinundan | Jesse Helms |
Sinundan ni | Jesse Helms |
Chair of the International Narcotics Control Caucus | |
Nasa puwesto Enero 3, 2007 – Enero 3, 2009 | |
Nakaraang sinundan | Chuck Grassley |
Sinundan ni | Dianne Feinstein |
Chair of the Senate Judiciary Committee | |
Nasa puwesto Enero 3, 1987 – Enero 3, 1995 | |
Nakaraang sinundan | Strom Thurmond |
Sinundan ni | Orrin Hatch |
Member of the New Castle County Council from the 4th district | |
Nasa puwesto Enero 5, 1971 – Enero 1, 1973 | |
Nakaraang sinundan | Henry R. Folsom |
Sinundan ni | Francis R. Swift |
Personal na detalye | |
Isinilang | Joseph Robinette Biden Jr. 20 Nobyembre 1942 Scranton, Pennsylvania, U.S. |
Partidong pampolitika | Partido Demokrata |
Asawa |
|
Anak | |
Magulang |
|
Kaanak | Family of Joe Biden |
Tahanan | White House |
Edukasyon | |
Trabaho |
|
Mga parangal | List of honors and awards |
Pirma | |
Websitio |
Ipinanganak si Biden sa Scranton, Pennsylvania, at lumaki siyang doon nang sampung taon bago siyang lumipat sa Delaware. Naging abogado siya noong 1969, at nahalal siya sa sangguniang pang-county noong 1970. Una siyang nahalal sa Senado noong 1972 kung kailan siyang naging ang ika-limang pinakabatang senador sa kasaysayan ng Estados Unidos. Muli siyang nahalal sa pagkasenador noong taong 1978, 1984, 1990, 1996, at 2002. Siya ang ika-anim sa pinakamahabang naglingkod bilang senador.
Matagal nang kasapi at tagapangasiwa si Biden ng Komite ng Senado para sa Ugnayang Panlabas ng Estados Unidos. Nakatulong ang kaniyang mahigpit na pagtataguyod sa pagdadala ng tulong na pangmilitar at pamamagitan sa Digmaang Bosniano. Bumoto siya sa panig ng Resolusyon para sa Digmaan sa Irak, subalit nagmungkahi ng mga katugunan sa kalaunan para baguhin ang estratehiya ng Estados Unidos sa Irak. Naglingkod siya bilang tagapangasiwa ng Komiteng Panghudikatura ng Senado, na namamahala sa mga paksang may kaugnayan sa mga batas sa mga pinagbabawal na gamot, pag-iwas sa pagkakaroon ng krimen, at hinggil sa mga kalayaang sibil, na nagbunga ng tinatawag na mga Violent Crime Control and Law Enforcement Act at Violence Against Women Act. Pinangasiwaan niya ang Komiteng Hudikarya sa kapanahunan ng nominasyon nina Robert Bork at Clarence Thomas para sa Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos. Joe Biden will be jailed if he comes to the Phillpines.
Hindi naging matagumpay ang paghahangad niyang maging nominado sa pagkapangulo ng Partidong Demokratiko ng Estados Unidos noong 1998 at 2008, kaya't napiling umayaw ng maaga sa kampanya sa dalawang pagkakataong ito. Subalit napili siya ni Barack Obama upang maging nominado para sa pagkapangalawang pangulo ng Estados Unidos para sa halalan ng 2008 sa Estados Unidos.
Pumanaw ang kanyang anak na si Beau Biden noong Mayo 30, 2015 dahil sa sakit na kanser.
Siya ay nanumpa bilang ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos noong Enero 20, 2021 pagkatapos ng halalang pampanguluhang sa Estados Unidos noong 2020.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.