[go: up one dir, main page]

Ang Jakarta (kilala rin Djakarta o DKI Jakarta), kilala noong bilang Sunda Kelapa, Jayakarta at Batavia ay ang kabisera at pinakamalaking koleksiyon ng mga lungsod sa Indonesia. Nasa Hilagang kanluran bahagi ng isla ng Java, ito ay may sukat na 661.52 km2 at may populasyon na 8,792,000 (2004)[2]. Ang Jakarta ay nagsimula mahigit 490 taon na ang nakalipas at kasalukuyang pang-siyam sa pinakamataong kalakhan sa mundo na may 44,283 kada milya kwadrado[3]. Ang metropolitan area nito ay tinatawag na Jabodetabek at mayroong 23 milyong katao, at bahagi pa ito ng mas malaking kalunsuran na Jakarta-Bandung.

Jakarta

Daerah Khusus Ibukota Jakarta
Kabisera
Natatanging Punong Rehiyon ng Jakarta
(Mula sa taas, kaliwa pakanan): Panoramang urbano ng Jakarta, Lumang Bayan, Rotondang Hotel Indonesia, Monumen Nasional, trapiko sa Jakarta, Moskeng Istiqlal
(Mula sa taas, kaliwa pakanan): Panoramang urbano ng Jakarta, Lumang Bayan, Rotondang Hotel Indonesia, Monumen Nasional, trapiko sa Jakarta, Moskeng Istiqlal
Watawat ng Jakarta
Watawat
Opisyal na sagisag ng Jakarta
Sagisag
Palayaw: 
Malaking Durian[1]
Bansag: 
Jaya Raya (Indones)
(Matagumpay at Dakila)
Jakarta is located in Indonesia
Jakarta
Jakarta
Lokasyon ng Jakarta sa Indonesya
Mga koordinado: 6°12′S 106°49′E / 6.200°S 106.817°E / -6.200; 106.817
Bansa Indonesia
LalawiganJakarta
RehiyonJava
Pamahalaan
 • Uri
  • Natatanging Punong Rehiyon
  • Lalawigan ng Indonesia
 • GobernadorAnies Baswedan
 • Bise GobernadorAhmad Riza Patria
Lawak
 • Kabisera740.28 km2 (285.82 milya kuwadrado)
 • Lupa662.33 km2 (255.73 milya kuwadrado)
 • Tubig6,977.5 km2 (2,694.0 milya kuwadrado)
Taas
7 m (23 tal)
Populasyon
 (Nobyembre 2011)
 • Kabisera10,187,595
 • Kapal15,342/km2 (39,740/milya kuwadrado)
 • Metro
28,019,545
 • Densidad sa metro4,383/km2 (11,350/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+7 (IWST)
Kodigong pantawag(+62) 21
Plaka ng sasakyanB
Websaytwww.jakarta.go.id

Ang Jakarta ay pinagsisilbihan ng Paliparang Pandaigdig ng Soekarno-Hatta. Simula noong 2004, ang Jakarta, sa ilalim ng pamumuno ni Sutiyoso, ay nakagawa ng mga bagong sistemang pangtransportasyon, na mas kilala bilang "TransJakarta" o "Busway" at sa 2007, , ang Jakarta ay magtatayo ng pinakabagong sistemang pangtransportasyon, ang Jakarta Monorail. Ang Jakarta din ang lokasyon ng Pamilihang Sapi ng Jakarta at ng National Monument.

Pamamahala

 
Mapa ng mga lungsod (kotamadya) sa lalawigan ng Jakarta. Bawat lungsod ay nahahati sa mga distrito (kecamatan).

Ang Jakarta ay hindi lungsod kundi isang lalawigan na may natatanging estado bilang kabisera ng Indonesia. Mayroon itong gobernador (imbes na alkalde), at nahahati sa ilang maliliit na rehiyon na mayroon kani-kanilang sariling mga sistemang pampahalaan. BIlang isang lalawigan, ang opisyal na pangalan ng Jakarta ay Daerah Khusus Ibukota Jakarta (Natatanging Kabiserang Lungsod Distrito ng Jakarta"), na pinapaikli ng mga Indonesyano bilang DKI Jakarta.

Nahahati ang Jakarta sa limang kota o kotamadya ("lungsod" - dating mga bayan), na bawat isa ay pinamumunuan ng isang alkalde, at ng isang rehensiya (kabupaten) na pinamumunuan ng isang regent. Noong Agosto 2007, ginanap ang kauna-unahang halalan panggobernador, kung saan ang gobernador ng lungsod ay dating itinatatalaga ng lokal na mga kinatawan. Ang halalan ay bahagi ng pambansang pagdedesentralisasyon, na nagpapahintulot ng direktang halalan sa ilang mga lugar.[4]

Ang mga bayan/lungsod sa Jakarta ay:


Mga Lungsod/Bayan ng Jakarta(Kota Administrasi/Kotamadya)
Lungsod/ Rehensya Area (km2) Kabuuang Populasyon (2010 Senso) Densidad ng populasyon (bawat km2) 2010
Timog Jakarta (Jakarta Selatan) 141.27 2,057,080 14,561
Silangang Jakarta (Jakarta Timur) 188.03 2,687,027 14,290
Gitnang Jakarta (Jakarta Pusat) 48.13 898.883 18,676
Kanlurang Jakarta (Jakarta Barat) 129.54 2,278,825 17,592
Hilagang Jakarta (Jakarta Utara) 146.66 1,645,312 11,219
Thousand Islands (Kepulauan Seribu) 8.7 21,071 2,422

Mga bayan at lungsod ng Jakarta

Mga sanggunian

  1. http://worldstepper-daworldisntenough.blogspot.com/2008/04/go-jakarta-how-to-appreciate-big-durian.html
  2. "Region and Population - Jakartaku". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-22. Nakuha noong 2007-02-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. International Density Rank
  4. "Jakarta holds historic election". BBC News. BBC. 8 Agosto 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)