[go: up one dir, main page]

Ang enteoheno ("Ang diyos ay nasa loob natin") ay isang sikoaktibong substansiya na ginagamit sa kontekstong relihiyoso, shamaniko o espiritwal. Sa kasaysayan, ang mga enteoheno ay karamihang hinango mula sa mga halaman at ginamit sa iba't ibang kontekstong relihiyoso. Sa pagdating ng organikong kimika, marami na ngayong mga sintetikong substansiya ang may parehong mga katangiang sikoaktibo. Ang mga enteoheno ay ginagamit bilang pandagdag sa maraming mga iba't ibang pagsasanay ng pagpapagaling, transendensiya, pangitain, at pahayag kabilang ang meditasyon, psyhonautics, proyektong sining at terapiyang sikedeliko

Ang Peyote ay isang halimbawa ng mga enteoheno na ginagamit sa mga ritual pang-relihiyoso. Ang Peyote ay iniulat na pumupukaw ng mga estado ng "malalim na introspeksiyon at kabatiran" na inilarawan na isang likas na metapisikal o espiritwal. Sa ibang pagkakataon, ang paggamit nito ay sinasamahan ng mayamang mga epektong biswal at pandinig.
Istukturang kimikal ng mescaline na pangunahign kompuwestong sikoaktibo ng peyote

Pagsasaliksik

baguhin
 
Kabuteng Psilocybe cubensis na naglalaman ng psylocibin.
 
tulad ng Mandala na bintanang bilog sa taas ng altar sa Boston University's Marsh Chapel na lugar ng Marsh Chapel Experiment

Ang kilalang sinaunang mga pagsubok ng karanasang entheogenic ay kinabibilangan ng Marsh Chapel Experiment na isinagawa ng doktor at doktoral na kandidato ng teolohiyang si Walter Pahnke sa ilalim ng pangangasiwa ni Timothy Leary ng Harvard Psilocybin Project. Sa eksperimentong double-blind na ito, ang lahat ng mga bolunterong estudyante ng graduate school divinity mula sa Boston ay nag-angkin ng pagkakaroon ng malalim na karanasang relihiyoso kasunod na pagkain ng purong psilocybin. Noong 2006, ang isang mas mahigpit na kinontrol na eksperimento ay isinagawa sa Johns Hopkins University at nagbigay ng parehong mga resulta.[1] Ang mga patuloy na pagsasaliksik sa kasalukuyan ay limitado dahil sa laganap na pagbabawal ng ilegal na droga sa maraming bansa, gayunpaman, ang ilang mga bansa ay may mga batas na pumapayag ng paggamit ng mga enteoheno para sa tradisyonal na relihiyosong paggamit nito. Halimbawa, sa Estados Unidos, ang paggamit ng mga drogang enteoheno ay legal kung gagamitin sa Native American Church sa mga relihoyosong seremonya nito.[2]

Relihiyon

baguhin

Ang mga enteoheno ay ginagamit sa iba't ibang mga paraan kabilang bilang bahagi ng mga naitatag na relihiyon. Kabilang din dito ang paggamit na walang kaugnayan sa relihiyon ngunit para sa personal na pag-unlad espiritwal[3][4], gayundin bilang rekreasyonal na droga at para sa gamit na pagpapagaling. Ang paggamit ng mga enteoheno ay laganap sa buong naitalang kasaysayan ng tao.

Naniwala ang Israeling mananalisik na si Benny Shanon na si Moises ay nasa ilalim ng impluwensiya ng mga hallucinogen nang tanggapin nito ang batas ng diyos. Si Shanon ay naniniwalang ang psychedelic cocktail na katulad ng ayahuasca ay makapagpapaliwanag ng pangitain ni Moises ng nagliliyab na puno. Ayon kay Shanon: "Sa mga mataas na anyo ng pagkalango sa ayahuasca, ang pagkita ng liwanag ay sinasamahan ng malalim na relihiyoso at espirtiwal na mga pakiramdam." [5]

Ang isa sa pinakamalaganap na ginagamit na enteoheno ang cannabis na ginagamit sa mga rehiyong gaya ng Tsina, Europa, India sa libo libong mga taon. Ito ay lumitaw rin bilang bahagi ng mga relihiyon at kulturang gaya ng kilusang Rastafari, Sadhus ng Hinduismo, mga Scythian, Sufi Islam at iba pa.

Ang mga katutubong mamamayan ng Siberia ay gumagamit ng kabuteng fly agaric (Amanita muscaria) bilang enteoheno.

Sa Hinduismo, ang Datura stramonium at Cannabis ay ginagamit sa mga seremonyang relihiyoso.

Talaan ng mga enteoheno

baguhin
Karaniwang pangalan(binomial nomenclature para sa species o genus) Psychoactive o ibang mga ahenteng entheogenic Mga rehiyon/kulturang gumagamit
Bufo 5-MeO-DMT at Bufotenin Kontrobersiyal na interpretasyon ng sining Mesoamerican.
Karaniwang pangalan Binomial nomenclature para sa species o genus Psychoactive o ibang mga ahenteng entheogenic Mga rehiyon/kulturang gumagamit
African Dream Root Silene capensis Posibleng triterpenoid saponins Taong Xhosa ng Timog Aprika
Baging ng mga Kaluluwa o Ayahuasca Banisteriopsis caapi MAOI β-carbolines: harmine, harmaline, at tetrahydroharmine. South America; mga tao ng Maulang-gubat ng Amasona. União do Vegetal ng Brazil at Estados Unidos. Ginamit sa loob ng Ayahuasca.
Blue Egyptian water lily Nymphaea caerulea Nuciferine at aporphine Possibleng sinaunang Ehipto at Timog Amerika.
Angel Trumpet Brugmansia Scopolamine at atropine. Timog Amerika.
Ganja, Grass, Herb, Marijuana, Weed, etc. Cannabis Delta-9-tetrahydrocannabinol at ibang mga cannabinoid Sadhu ng India.
Chaliponga, Chagropanga at mga bahagi ng Ecuador, Chacruna (Psychotria viridis) Diplopterys cabrerana/Banisteriopsis rusbyana DMT, 5-MeO-DMT, Bufotenine, Methyltryptamine, atN-methyltetrahydro-beta-carboline. Brazil, Colombia, Ecuador, at Peru bilang bahagi ng Ayahuasca.
Harmal Peganum harmala MAOI β-carbolines: Harmane, harmala, harmaline, harmalol, at tetrahydroharmine. Turkey at Gitnang Silangan.
Hawaiian baby woodrose Argyreia nervosa LSA. Sikoaktibo ngunit maaaring hindi ginamit bilang enteoheno. Katutubo sa India. Ang tradisyonal na paggamit ay posible ngunit hindi pangkaramihang na dokumento.
Henbane/Witches Herb Hyoscyamus niger Hyoscyamine, scopolamine, at ibang mga tropane alkaloids. Ancient Greece at mga manggagaway(witch) ng Gitnang Kapanahunan
Peruvian Torch cactus Echinopsis peruviana/Trichocereus peruvianus Mescaline Pre-Incan Chavín na mga ritwal sa Peru.
Iboga Tabernanthe iboga Ibogaine and other indole alkaloids. Bwiti rehiyon ng Kanlurang Sentral na Aprika .
Morning Glory Ipomoea tricolor (from the convolvulaceae family) LSA Aztec
Morning Glory Ipomoea violacea (from the convolvulaceae family) LSA Mazatec[6]
Jimsonweed Datura stramonium Atropine, hyoscyamine at scopolamine. Native Americans: Algonquian at Luiseño. Sadhus ng India. Táltos ng Magyar (Hungary).
Mapacho Nicotiana rustica Nicotine and MAOI β-carbolines: harmine, harmaline at tetrahydroharmine. Timog Amerika
Jurema, Jurema Preta, Black Jurema, at Vinho de Jurema Mimosa tenuiflora DMT at Yuremamine Hilagang-silangang Brazil.
Peyote Lophophora williamsii Mescaline Oshara Tradition
Chacruna (Diplopterys cabrerana) o Chacrona Psychotria viridis DMT, MAOI β-Carboline, at MMT. Vegetalistas ng Peru, Ecuador, Colombia, at simbahang Brazilian na Santo Daime ay gumamit nito bilang bahagi ng Ayahuasca.
Diviner's Sage, Sage of the Seers, Seer's sage, and Ska María Pastora Salvia divinorum Salvinorin A Mazatec
San Pedro cactus Echinopsis pachanoi Mescaline Timog Amerika
Ololiuqui, Morning Glory Turbina corymbosa/Rivea corymbosa (from the convolvulaceae family) LSA Mazatec[6]
Vilca Anadenanthera colubrina Bufotenin, 5-MEO-DMT, at N-N-DMT. Timog Amerika
Virola elongata/Virola theiodora 5-MEO-DMT, N-N-DMT, and MAOI β-carbolines. Timog Amerika
Yopo Anadenanthera peregrina Ilang mga substansiyang nauugnay sa DMT. Timog Amerika
Karaniwang pangalan (binomial nomenclature para sa species o genus) Psychoactive o ibang mga ahenteng entheogenic Mga rehiyon/kulturang gumagamit
Fly Agaric (Amanita muscaria) [7] Muscimol Siberian shamans. Scandinavia. Posibleng ang inuming Soma ng India.
Magic Mushroom (Psilocybe) Psilocybin Mazatec
Boletus manicus Hindi alam na mga substansiyang indolic. Papua New Guinea

Sanggunian

baguhin
  1. R. R. Griffiths; W. A. Richards, U. McCann, R. Jesse (2006-07-07). "Psilocybin can occasion mystical-type experiences having substantial and sustained personal meaning and spiritual significance" (PDF). Psychopharmacology. 187 (3): 268–283. doi:10.1007/s00213-006-0457-5. PMID 16826400. Nakuha noong 2011-02-03.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)[patay na link]
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-01. Nakuha noong 2012-02-03.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Tupper, K.W. (2003). Entheogens & education: Exploring the potential of psychoactives as educational tools. Journal of Drug Education and Awareness, 1(2), 145-161" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-10-09. Nakuha noong 2012-02-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Tupper, K.W. (2002). Entheogens and existential intelligence: The use of plant teachers as cognitive tools. Canadian Journal of Education, 27(4), 499-516" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-05-18. Nakuha noong 2005-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. abcnews.go.com, Moses Was High on Drugs, Israeli Researcher Says
  6. 6.0 6.1 http://www.sagewisdom.org/shepherdess.html
  7. Heinrich, C (1995). Strange Fruit: Alchemy and Religion- The Hidden Truth. London : Bloomsbury. Referenced throughout ISBN 978-0747515487