[go: up one dir, main page]

Kimikang organiko

(Idinirekta mula sa Organikong kimika)

Ang kimikang organiko (Ingles: organic chemistry) ay ang pag-aaral ng mga kumpuwestong pangkimika na naglalabon ng karbon. Ang karbon ay may kakayahang bumuo ng isang ugnayang pangkimika sa piling ng malawak na kasamu't sarian ng mga elementong pangkimika at iba pang mga atomo ng karbon. Nagpapahintulot ito ng isang halos walang hangganang bilang ng mga kumbinasyon. Ang paksa ng mga kumpuwestong kimikal ay tinatawag na kimikang organiko dahil ang lahat ng nakikilalang mga organismo, o mga bagay na may buhay, ay binubuo ng mga kumpuwesto ng tubig at karbon. Malawakang kasangkot sa kimikang organiko ang sintesis, o pormasyon (pagkakabuo), ng mga produktong organiko sa pamamagitan ng reaksiyong pangkimika na ginagamit ang iba't ibang mga reaktante (mga bagay na "tumutugon") at mga reahente, na mga sustansiyang nagagamit habang nagaganap ang isang pagtugon o reaksiyon. Ilang magkakaibang mga pook sa larangan ng kimika ang lumalawig upang masakop ang mga diwa at mga prinsipyo ng kimikang organiko, kabilang na ang biyokimika, mikrobiyolohiya, at medisina.

Bilang karagdagan, ang organikong kimika ay isang disiplina sa loob ng kimika na kinakasangkutan ng makaagham na pag-aaral ng kayarian, katangian, komposisyon, mga reaksiyon, at paghahanda (sa pamamagitan ng sintesis o ibang kaparaanan) ng mga kumpuwestong kimikal na may karbon. Maaaring maglaman ng kahit ilang mga elemento ang mga kumpuwesto, kabilang na ang idroheno, nitroheno, oksiheno, ang mga haloheno at gayon din ang posporo, silisiyo at asupre.[1][2][3]

Kasaysayan

baguhin

Ang katagang organiko o organik ay nagmula kay Jons Jacob Berzelius, isang Suwekong siyentipiko na namuhay noong ika-19 na daantaon, na ginamit ang katawagan upang tukuyin ang mga sustansiyang nasa loob ng mga sistemang may buhay. Noong kapanahunan ni Berzelius, tanyag ang teoriya ng puwersang buhay (panukala hinggil sa puwersang nauukol sa buhay). Isinasaad ng teoriyang ito na ang isang puwersang buhay o puwersa ng buhay ay kailangan upang makagawa ng mga kumpuwestong organiko na matatagpuan sa mga bagay na may buhay. Nagsimulang mawalan ng suporta ang teoriya ng puwersa ng buhay pagkaraan ng isang eksperimento ginawa ni Friedrich Wöhler noong 1828. Ipinamalas ng gawa ni Wöhler na ang urea, na isang kumpuwestong organiko, ay maaaring malikha magmula sa ammonium cyanate (siyanatong amonyo), na isang kumpuwestong inorganiko.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Robert T. Morrison, Robert N. Boyd, and Robert K. Boyd, Organic Chemistry, ika-6 na edisyon (Benjamin Cummings, 1992, ISBN 0-13-643669-2) - klasikong aklat nina Morrison at Boyd"
  2. John D. Roberts, Marjorie C. Caserio, Basic Principles of Organic Chemistry,(W. A. Benjamin,Inc.,1964) - isa pang klasikong aklat
  3. Richard F. at Sally J. Daley, Organic Chemistry, aklat ng organikong kimika na naka-online. http://www.ochem4free.info

Tingnan din

baguhin

Padron:Kimikang inorganiko

Kimika  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.