Balbal
Ang balbal o islang (hango sa Ingles na slang) ay ang mga salitang hindi pormal ngunit nagagamit sa pang-araw-araw na pananalita. Karaniwa’y nililikhà ito sa pagbabaligtád ng mga titik, o pagiibang-anyô sa salitang ugát. Minsan, halaw ito sa wikang Kastila.
Halimbawa ng mga ito nito ay ang mga sumusunod na salitang balbal sa Tagalog at ang kanilang kahulugán na malimit siya ring salitang ugát:
- parak, lespu (pulís)
- iskapo (takas)
- istokwa (layas)
- juding (binababaé)
- tiboli (tomboy)
- epal (mapapél)
- Negang nega (negatibo)
- erpat (amá)
- ermat (iná)
- etneb (bente)
- arat (tará)
- utáw (tao)
- goli (ligò)
- lodi (idol)
- werpa (power)
- petmalu (malupit)
Mga link na panlabas
baguhin- Talatinigan ng mga salitang balbal sa Filipino Naka-arkibo 2005-07-28 sa Wayback Machine.
- Depinisyon ng Pinoy Slang sa salitang "balbal" Naka-arkibo 2007-03-28 sa Wayback Machine.
- Blog na gumagamit ng makabagong ispeling sa Filipino Naka-arkibo 2014-12-18 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.