[go: up one dir, main page]

Aklat ni Joel

beynte-ikasiyam libro ng Biblya, kompuwesto ng lámang 3 kabanatas
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Joel[1][2] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Sinulat ito ng propetang si Joel, anak ni Petuel.[1]Tinataya ng mga dalubhasa na nasulat ang Aklat ni Joel pagkaraan ng pagkakatapon at pagkakabihag ng mga Hudyo sa Babilonia, noong mga 400 hanggang 350 BK.[3]

Ang may-akda

baguhin

Walang nababanggit sa Bibliya tungkol kay Joel, maliban na lamang sa pangalan ng kaniyang magulang na si Petuel.[1] Ngunit pinaniniwalaang taga-kaharian siya ng Juda, na nasa timog sapagkat madalas niyang banggitin ang mga pangalan ng pook na Jerusalem, Sion, maging ang templo at mga pari.[1] Sinambit niya ang mga ito noong mga 400 BK, ang panahon pagkaraan ng pagkakadalang-bihag ng mga Hudyo sa Babilonia.[1] Palagian siyang bumibisita sa Jerusalem. Pangkaraniwan ang pangalang Joel sa Israel, na karaniwang isinasalinwikang may kahulugang "Ang Panginoon ay Diyos."[1]

Paglalarawan

baguhin

May sumapit na pagsalakay ng mga balang sa bayan ng Israel. Naunang salakayin ng mga kulisap na ito ang kanayunan, sumunod ang kabisera. Para sa propetang si Joel, isa itong pagbabadya ng pagdating ng Araw ng Paghuhusga. Dahil dito, daglian niyang hinikayat na magsisi ang kaniyang mga kababayan, sa pamamagitan ng paggamit ng wikang pampamamahayag o apokaliptiko.[3]

Mga bahagi

baguhin

Binubuo ng tatlong bahagi ang Aklat ni Joel. Sa unang bahagi, hinihimok ni Joel ang mga Hudyo patungo sa daan ng pagsisisi, na dumaranas na noong mga panahong iyon ng mga "malalaking sakuna." Sa pangalawang bahagi, nilalahid ni Joel ang ikabubunga ng pagsisisi at pagbabalik sa Diyos na ito: ang mga "biyayang pangkaluluwa at pangkatawan," kasama ng paglalaan ng kaparusahan ng Diyos sa mga kaaway ng Israel, ang pagdating ng pagliligtas kapag sumapit ang panahon ng Mesias. Isang halimbawa ng biyayang pangkaluluwa ang tinatawag na "pagbubuhos ng Espiritu Santo"[1] o ang "malakas na pagbuhos" ng banal na kaluluwa ng Diyos sa lahat ng mga lamang pantao.[3] Natupad ang pagbubuhos na ito noong araw ng Pentekostes, isang biyaya at kaganapang sinasabing nasaksihan ni San Pedro, na nakasaad sa Mga Gawa ng mga Alagad (Gawa: 2, 17-18.[1][3] Sa pangatlo at huling bahagi ng aklat, inilalantad ang tinatawag na "huling paghuhukom sa mga bansa."[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Abriol, Jose C. (2000). "Joel". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Aklat ni Joel". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Reader's Digest (1995). "Joel". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin