Zona glomerulosa
Ang Zona glomerulosa ay ang outer zone o panlabas na zona ng adrenal cortex na tahasang nasa ilalim ng tisyung pandugtong. Binubuo ito ng selyulang nakaayos ng pakurba at palibot o pabilos na bolang nag lalabas ng mga hormone na mineralocorticoid, partikular ang aldosterone.
Gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang tugon sa pagtaas ng antas ng potassium o pagbagal o pagunti ng daloy ng dugo sa mga bato (kidney), naglalabas ang mga selula ng zona glomerulosa ng mineralocorticoid na kung tawagin ay aldosterone patungo sa dugo bilang bahagi ng sistemang renin-angiotensin. Pinangangasiwaan ng aldosterone ang balanse ng konsentrasyon o dami ng mga electrolyte, nangunguna na ang antas ng sodium at potassium, sa pamamagitan ng pagpapagalaw sa distal convoluted tubule ng mga nephron ng bato para:
- pagpapataas ng antas o pagpapabilis ng muling pagsipsip ng sodium (sodium reabsorption)
- pagpapataas ng antas o pagpapabilis ng pagpapalabas ng potassium (potassium excretion)
- pagpapataas ng antas o pagpapadali ng muling pagsipsip ng tubig sa pamamagitan ng osmosis
Dito gumagalaw ang ensima na aldosterone synthase
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.