Yi Sun-sin
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Yi.
Yi Sun-sin | |
Pangalang Koreano | |
---|---|
Hangul | 이순신 |
Hanja | 李舜臣 |
Binagong Romanisasyon | I Sun-sin |
McCune–Reischauer | Yi Sun-shin |
Kagandahang pangalan | |
Hangul | 여해 |
Hanja | 汝諧 |
Binagong Romanisasyon | Yeohae |
McCune–Reischauer | Yŏhae |
Postumong pangalan | |
Hangul | 충무 |
Hanja | 忠武 |
Binagong Romanisasyon | Chung-mu |
McCune–Reischauer | Ch'ung-mu |
Si Yi Sun-sin (Abril 28, 1545 - Disyembre 16, 1598) (Koreano: 이순신, Hanja: 李舜臣) ay isang Koreanong komandanteng hukbong-dagat na kilala para sa kanyang pagtatagumpay laban sa mga Hapones sa panahon ng Japanese invasions ng Korea (1592-1598) sa Dinastiyang Joseon. Ang kanyang titulo na Samdo Sugun Tongjesa (Hangul: 삼도 수군 통제사, Hanja: 三 道 水 军 统制 使), na ibig sabihin ay "Komandanteng Panghukbong-dagat ng Tatlong Lalawigan", ay nananatili bilang pamagat ng mga komandante ng hukbong-dagat ng Korea hanggang taong 1896. Si Komandante Yi ay kilala rin para sa kanyang makabagong paggamit ng barkong pagong. Siya ay isa sa mga ilang almirante na nanalo sa lahat ng kanyang labanan sa dagat.
Si Yi ay pinatay sa pamamagitan ng isang bala ng baril sa Labanan sa Noryang sa 16 Disyembre 1598. Habang siya ay namamatay, sinabi niya na "Huwag sabihin sa kalaban ang aking kamatayan". Ang mga hari o reyna sa panahon na noon ay nagbigay ng iba't-ibang parangal sa kanya, kabilang ang isang pamagat na Chungmu gong (충무공, 忠武 公, Panginoong Marsyal ng Katapatan), isang pagpapalista bilang isa sa mga Seonmu Ildeung Gongsin (선무일 등공신, 宣武 一等 功臣, unang-klaseng orden militar na parangal ng kagalingan sa panahon ng kaharian ng Seonjo), at ang Deokpung Buwongun (덕풍 부원군, 德 豊 府 院 君, Ang Prinsipe ng Korte mula sa Deokpung). Siya rin ay binigyan ng pamagat na Yumyeong Sugun Dodok(유명 수군 도독, almirante ng plota ng Tsinang Ming) ni Emperador Wanli. Hanggang ngayon, nananatili si Yi bilang isang iginagalang na bayaning Koreano.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- List of Korea-related topics
- History of Korea
- Naval history of Korea
- Turtle ship
- Immortal Admiral Yi Sun-shin
- The Great Hero, Lee Sun-shin sa IMDb
- Admiral Lee Sun-shin sa IMDb
- Immortal Admiral Yi Sun-shin sa IMDb
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hyeonchungsa Shrine Management Office Naka-arkibo 2007-08-24 sa Wayback Machine.
- Admiral Yi Sun-sin - A Korean Hero (includes clips from the drama Immortal Admiral Yi Sun-shin)
- Choong-mu
- Biography of Admiral Yi Sun Shin
- Yi-Sunshin Naka-arkibo 2010-01-06 sa Wayback Machine.
- Heaven's Soldiers
- YiSunsin.com: Yi Sunsin information portal.
- Padron:Findagrave
- Onrie Kompan's Blogspot Temporary announcement site for comic Yi Soon Shin: Warrior and Defender