[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Yellowknife

Mga koordinado: 62°26′N 114°24′W / 62.44°N 114.4°W / 62.44; -114.4
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yellowknife

Yellowknife
Sǫǫ̀mbak'è
Map
Mga koordinado: 62°26′N 114°24′W / 62.44°N 114.4°W / 62.44; -114.4
Bansa Canada
LokasyonNorthwest Territories, Canada
Itinatag1936
Lawak
 • Kabuuan136.22 km2 (52.59 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2021, Senso)
 • Kabuuan20,340
 • Kapal150/km2 (390/milya kuwadrado)
Websaythttps://www.yellowknife.ca/

Ang Yellowknife, literal na "dilaw na kutsilyo" (populasyon ayon sa senso ng Canada noong 2006: 18,700[1]), ay ang kabisera ng Hilagang-Kanlurang mga Teritoryo, Canada. Nakalagak ito sa hilagang baybayin ng Lawa ng Dakilang Alipin, tinatayang 400 km sa timog ng Bilog ng Artiko, sa kanlurang tagiliran ng Look ng Yellowknife malapit sa lagusang palabas ng Ilog ng Yellowknife. Pinangalanan ang Yellowknife at ang nakapaligid na mga katawan ng tubig mula sa katutubong Unang Nasyon ng mga Dene (binabaybay ding Dené) ng Yellowknife, na gumawa ng mga kasangkapan mula sa pangrehiyong deposito ng mga tanso. Magkakahalo ang etnikong pangkasalukuyang populasyon dito. Mula sa labing-isang opisyal na mga wika ng Mga Teritoryo ng Hilagang-Kanluran, lima ang sinasalita ng mahahalagang bilang ng mga tao sa Yellownife: Dene Suline, Dogrib, Timog at Hilagang Slavey, Ingles, at Pranses. Sa wikang Dogrib, nakikilala ang lungsod na ito bilang Somba K'e (may ibig sabihing "ang kinaroroonan ng salapi" o "kung nasaan ang pera").[2]

Unang pinamayanan ang Yellowknife noong 1935, pagkaraang makatagpo ng ginto sa pook na ito; agad na anging sentro ng gawaing pangkabuhayan ang Yellowknife sa loob ng Hilagang-Kanlurang mga Teritoryo, at naging kabisera ng Hilagang-Kanlurang mga Teritoryo noong 1967. Sa pagbaba ng produksiyon ng ginto, nagbago ang Yellowknife mula sa pagiging isang bayan ng pagmimina upang maging isang gitna ng mga palingkuran ng pamahalaan noong dekada ng 1980. Subalit, dahil sa pagkakatuklas ng mga diyamante sa hilaga ng Yellowknife noong 1991[3], ang pagbabagong ito ay nagsimulang bumaligtad.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2006 Census". Pamahalaan ng Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-01-07. Nakuha noong 2009-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Yellowknife Visitors Guide" (PDF). Yellowknifer. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-09-28. Nakuha noong 2009-03-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. ""About yellowknife"". "City of Yellowknife". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-26. Nakuha noong 2009-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


HeograpiyaCanada Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Canada ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.