[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Vertu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Vertu ay isang kompanyang gumagawa at nagbebenta ng mga mamahaling teleponong selular. Ang kompanyang ito ay isang hiwalay na pinamumunuang pagmamayari ng Nokia.

Ang konsepto ng Vertu ay ang paggawa ng mga telepono sa pamamaraang tulad ng sa mga mamahaling relo kagaya ng Rolex, IWC at Patek Philippe. Ang pinakamahal na modelong kanilang ginawa ay ang Signature Cobra, na nagkakahalaga ng US$310,000 (~€217,000); ang pinakamahal nilang regular na modelo ay ang Signature Diamond, na nagkakahalaga ng US$88,000 (~€62,000). Nagsisimula sa $5,100 ang presyo ng kanilang Constellation model.[1]

Ang mga telepono ng Vertu ay gawa sa mga mamahaling materyales tulad ng ginto, sapphire (para sa tabing), rubies (sa mga bearings) at katad. Mano-manong binubuo ang mga telepono sa kanilang mga factory sa Church Crookham, Hampshire, England.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bling! Bling!". CNN Money. Nakuha noong 2009-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.