[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Variance

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa teorya ng probabilidad at estadistika, ang variance o pagkakaiba-iba ay ang inaasahan ng squared deviation ng random variable mula sa population mean o sample mean. Ang variance ay isang sukat ng pagkalat na ang ibig sabihin ay sinusukat nito kung gaano kalayo ang set ng mga numero mula sa kanilang average value.  Ang variance ay may pangunahing papel sa estadistika, kung saan ang ilang ideya na gumagamit nito ay kinabibilangan ng mga deskriptibong estadistika, estadistikal na hinuha, pagsubok sa hypothesis, goodness of fit, at Monte Carlo sampling. Ang variance ay isang mahalagang instrumento sa mga sanga ng agham, kung saan pinakakaraniwan ang estadistikal na pagsusuri ng data. Ang variance ay ang square ng standard deviation o pamantayang paglihis, ang pangalawang central moment ng isang distribusyon, at ang covariance ng random variable sa sarili nito, at madalas itong kinakatawan ng σ², s2, Var (X), o V(X).