Vox in Rama
Ang Vox in Rama(Tinig sa Rama) ay isang decretal ni Papa Gregorio IX na nagtatag ng inkisisyon noong Hunyo 1233 na kumokondena sa kultong Luciferiano na sumasamba sa itim na pusa. Ang mga kopya nito ay ipinadala kay Emperador Frederick II, Haring Henry VII ng Alemanya, mga suffragano niya, Obispo Conrado ng Hildesheim at mangangaral na si Konrad von Marburg.Sa pamamagitan ng pagpapahirap at inkisisyon ni Konrad von Marburg, natuklasan ang isang kultong Luciferiano na sumasamba kay Satanas sa anyo ng isang itim na pusa. Inilarawan sa vox in Rama ni Papa Gregorio IX ang inisiasyon ng mga kasapi sa kultong ito. Dahil dito, nagkaroon ng pamahiin sa Europa kung saan ang itim na pusa ay inuugnay kay Satanas at pagpapasunog ng mga pusa sa Europa ay naging libangan ng mga mamamayan na pinaniniwalaang ng ilang historyan na nag-ambag sa pagkalat ng salot na Itim na Kamatayan na pumatay ng hanggang 200 milyong tao noong ika-14 siglo.
Nilalaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang inisiyado sa kultong ito ay lalapitan ng isang misteryosong palaka na kasing laki ng isang aso. Pagkatapos, ang isang payat na lalake ay lilitaw at dahil dito ay malilimutan ng inisiyado ang lahat ng ala-ala ng pananampalatayang Simbahang Katoliko Romano. Pagkarapos,ang mga sekta ay magsasalo-salo sa isang pagkain at pagkatapos nito ay tatayo ay mga kasapi at ang rebulto ng isang itim na pusa ay mabubuhay at lalakad ng pabalik kung saan ang buntot ng pusa ay nakatayo. Pagkatapos, ang inisiyado at ang panginoon nito ay sa hahalik sa puwit ng nabuhay na rebulto ng pusa. Pagkatapis ng ritwal, ang mga kandila sa kuwarto ay papatayin at ang mga kasapi ay magkakaroong ng pagtatalik na orgiya. Pagkatapos muling sindihan ang mga kandila, ang isang lalake ay magliliwanag mula sa bahaging ari pataas na gaya ng isang araw. Ang ibabang bahagi ng katawan ng lalake ay mabalahibo gaya ng sa pusa. Pagkatapos ng isang litanyang usapan sa pagitan ng pusa at mga kasapi nito, ang pagtitipon ay matatapos. Ayon din kay Papa Gregorio IX, ang mga kasapi ng kulto ay tumatanggap ng katawan ni Hesus tuwing pasko ng pagkabuhay mula sa kamay ng pari at dadalhin ito gamit ang kanilang bibig at itatapon sa hukay na inidoro bilang pangungutya sa kanilang tagapagligtas.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]http://telma-chartes.irht.cnrs.fr/aposcripta/notice-acte/26666