[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Usapan:Biyolohiya

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mula sa salitang Espanyol na biologia na maaring bigkasin sa Filipino na /biyolohíya/.

Ayon sa batas kaugnay sa barilala, ang baybay ay siyang bigkas at ang bigkas ay siyang baybay.

Kung ang biology ay "bayologi" sa Filipino, at ang transliterasyon ng "logy" ay "lohiya" sa tunog at salin, ang Biology ay lalabas na "bayologi" o "bayolohiya".

Hindi binibigkas ang biology, sa Filipino maging sa ibang lengguahe bilang "biyologi".

  • Mayroong dalawang wikang pinaghihiraman ang Filipino kung ito wala sa Tagalog o sa mga wika sa Filipinas, ang Ingles (English) o Espanyol (Spanish). Kung sa mga ito hihiram, mayroong tatlong paraan: (1) Espanyol ngunit baybayin sa paraang Filipino, (2) Ingles at baybayin sa paraang Filipino, (3) Ingles at hindi na pinapalitan ang baybay. Maaring anyo ng hiram na salita ay: biyolohiya (mula sa salitang Espanyal na biologia, ang baybay ay ayon sa bigkas), bayolodyi (mula sa Ingles, ang baybay ay ayon sa bigkas), o biology (Ingles, orihinal na baybay).
  • Sa UP Diksiyonaryong Filipino, ginamit ang biyolohiya (ang pangunahing lahok) at biology.