[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ugnayang pampubliko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang ugnayang pampubliko (Ingles: public relations, dinadaglat na PR) ay ang kasanayan ng paghahatid ng mga mensahe sa publiko sa pamamagitan ng media sa panig ng isang kliente, kasama ang intensiyon na baguhin ang mga kilos ng publiko sa pamamagitan ng pag-impluwensiya ng kanilang mga kuru-kuro. Madalas na inihahatid ang mensahe ng mga nagsasanay sa PR ang mga partikular lamang na seksiyon ng publiko ("taga-pakinig"), yayamang kadalasang ibinabahagi ng isang pangkat ng mga tao ang magkakaparehong palagay kaysa ng buong lipunan.

Maraming tao ang pinupuna ang industriya ng PR ukol sa kanyang impluwensiya sa publiko, at ukol sa kanyang minsang di maka-etikang pagkilos sa pagpapatuloy sa piniling mensahe sa ibabaw ng katotohanan. Gayon man, di wastong sabihin ito sa lahat ng nagsasanay sa PR. Di nagtatrabaho ang karamihan sa kanila sa mga malalaki, ahensiyang multinasiyonal, kundi bilang kawani ng mga organisasyon, katulad ng mga kompanya, organisasyong non-profit, at ang mga pambansa at lokal na pamahalaan. Pinupukaw ang interes ng publiko ang karamihan sa kanila para sa kanilang mga kliente o amo sa halip na "pag-inog" sa isang kontrobersiyal na usapin sa pinatagal na panahon. Ang paglilingkod sa malalaking korporasyon at sa mga kilalang naghihimok ng mga usapin sa halip na mga pangkaraniwang mga tao sa industriya ng PR ang pangkalahatang tinututulang "pag-inog" ng mga mamumuna sa industriyang ito, bagaman mayroong malakas na impluwensiya sa usapan ng publiko ang halaga ng "pag-inog" na maaaring bilhin ng puhunang pinansiyal o pampolitika.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.