[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ugnayang malayuan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang ugnayang malayuan o relasyong malayuan ay karaniwang isang sistema ng matalik na relasyon o napakapersonal na ugnayan ng dalawang tao na nagaganap kapag ang magkatambal ay magkahiwalay dahil sa malayung-malayong distansiya. Bago dumating ang katanyagan ng pagtitipan o pakikipagkitaan sa pamamagitan ng Internet, hindi napaka karaniwan ng mga ugnayang malayuan, dahil ang pangunahing mga uri ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga mangingibig ay karaniwang kinasasangkutan ng mga tawagan sa telepono o kaya ang komunikasyon sa pamamagitan ng karaniwang liham. Subalit, dahil sa pagdating ng Internet, naging napakatanyag ng mga ugnayang malayuan dahil naging mas hindi mapanghamon ang pagpapanatili ng relasyon sapagkat mayroong magagamit na makabagong teknolohiya. Kabilang sa mga teknolohiyang ito ang teleponong selular, e-liham, tarhetang pantawag, pakikipagsatsatan sa kompyuter (online chatting), at pakikipagkumperensiyang may bidyo. Dahil sa ganitong mga teknolohiya, naging posible ang pagpapanatili ng pakikipag-usap at pakikibalita sa isa't isa kahit na magkalayo. Kabilang din sa paraan ng pagpapanatili ng relasyon sa loob ng isang ugnayang malayuan ang mensaheng teksto (text message, kilala rin bilang short message service o SMS, "palingkuran ng maikling mensahe"), mga programang VoIP, mga websayt na pangnetwork na panlipunan (katulad ng MySpace, Facebook, at Friendster).


KomunikasyonPag-ibig Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon at Pag-ibig ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.