[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Jena

Mga koordinado: 50°55′42″N 11°34′56″E / 50.928333333333°N 11.582222222222°E / 50.928333333333; 11.582222222222
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Panloob na patyo na may kantina ng lumang gusali ng Unibersidad.
Ang lumang gusali ng Unibersidad.

Ang Unibersidad ng Jena Friedrich Schiller(FSU; Aleman: Friedrich-Schiller-Universität Jena, pinaikling form Uni Jena; Ingles: Friedrich Schiller University Jena) ay isang pampublikong unibersidad sa  pananaliksik na matatagpuan sa Jena, Thuringia, Alemanya.

Ang unibersidad ay itinatag noong 1558 at nabibilang sa sampung pinakamatandang unibersidad sa Alemanya. Ito ay konektado sa anim na nagwagi ng Nobel Prize, ang pinakabago ay noong 2000 sa gradweyt ng Jena na si Herbert Kroemer para sa pisika. Ito ay ipinangalan sa makatang si Friedrich Schiller na nagturo bilang propesor ng pilosopiya nang panahong naakit sa Jena ang ilang sa pinaka-maimpluwensyang intelektwal sa simula ng ika-19 na siglo. Ang mga guro ng pamantasan na kinabibilangan nina Karl Leonhard Reinhold, Johann Gottlieb Fichte, G. W. F. Hegel, F. W. J. Schelling at Friedrich von Schlegel ang nagdala dito sa pusod ng idealismong Aleman at unang bahagi ng Romantisismo.

50°55′42″N 11°34′56″E / 50.928333333333°N 11.582222222222°E / 50.928333333333; 11.582222222222 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.