[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Ghana

Mga koordinado: 5°39′03″N 0°11′22″W / 5.65075°N 0.18951°W / 5.65075; -0.18951
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kagawaran ng Economiks
Aklatang Balme

Ang Unibersidad ng Ghana ay ang pinakamatanda at pinakamalaki sa labintatlong mga unibersidad sa Ghana. Ito ay itinatag noong 1948[1] bilang ang University College ng Gold Coast, na noon ay orihinal afilyeyt na kolehiyo ng Unibersidad ng Londres (University of London),[2] na siyang tumitingin sa mga akademikong programa at naggagawad ng mga degree. Nakatanggap ito ng katayuang "unibersidad" noong 1961, at ngayon ay may halos 40,000 mga mag-aaral.

Ang orihinal na pagbibigay-diin ng unibersidad ay sa liberal na mga sining, agham panlipunan, natural na agham, agrikultura, at panggagamot, ngunit (bahagyang bilang resulta ng isang pambansang repormang pang-edukasyon) ang kurikulum ay pinalawak upang magbigay ng pagsasanay sa mga kursong teknolohikal at bokasyonal, maging sa pagsasanay sa antas postgrado.

Ang unibersidad ay nakabase sa bayan ng Legon, 12 kilometro sa hilagang-silangan ng sentro ng Accra. Ang paaralan ng medisina ay nasa Korle Bu, na may isang ospital sa pagtuturo at pangalawang campus sa lungsod ng Accra. Meron din itong gradwadong paaralan ng nuklear at alyadong agham sa Ghana Atomic Energy Commission, kaya't maituturing ng unibersidad bilang ang isa sa kaunting bilang ng mga unibersidad sa kontinente ng Aprika na nag-aalok ng mga programa sa pisikang nukleyar at inhinyeriyang nukleyar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kwabena Dei Ofori-Attah. "Expansion of Higher Education in Ghana: Moving Beyond Tradition". Comparative & International Education Newsletter: Number 142. CIES, Florida International University. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Oktubre 2006. Nakuha noong 9 Marso 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. G. F. Daniel (17 Abril 1998). "THE UNIVERSITIES IN GHANA". Development of University Education in Ghana. University of Ghana. Nakuha noong 10 Marso 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

5°39′03″N 0°11′22″W / 5.65075°N 0.18951°W / 5.65075; -0.18951 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.