[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

U-boat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
U-534, Birkenhead Docks, Merseyside, Inglatera.

Ang U-boat (daglat ng untersee boat[1]) ay ang iningles na bersiyon ng salitang Aleman na U-Boot [ˈuːboːt]  ( pakinggan), isang pagpapaiksi ng Unterseeboot, na nangangahulugang "bangkang pang-ilalim ng dagat" o "undersea boat".[2] Habang ang katagang Aleman ay tumutukoy sa alinmang submarino, ang Ingles na submarino (na kasing karaniwan sa ilang iba pang mga wika) ay partikular na tumutukoy sa mga submarinong pangmilitar na pinapaandar ng mga Aleman, partikular na noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagaman, sa ilang mga panahon, ang mga ito ay mahusay na mga sandata ng kalipunan ng mga sasakyang pandagat laban sa mga pandagat na mga barkong pandigma ng kalaban, pinaka mabisa ang paggamit ng mga ito sa pang-ekonomiyang gampanin na pangdigmaan (pagsalakay na pangkomersiyo), na nagpapatupad ng isang bangkulong laban sa mga barko ng kalaban. Ang pangunahing mga puntirya ng mga pangangampanya ng mga U-boat sa nabanggit na dalawang mga digmaan ay ang mga eskolta o kumboy ng mga mangangalakal na nagdadala ng mga panustos o supply mula sa Canada, Imperyo ng Britanya, at ng Estados Unidos papunta sa mga pulo ng Nagkakaisang Kaharian at (noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig) sa Unyong Sobyet at mga teritoryong magkakaanib (Allied territories) sa Mediteraneo. Ang mga submarinong Austro-Unggaryo ng Unang Digmaang Pandaigdig (at bago pa man ang digmaan ito) ay nakikilala rin bilang mga U-boat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R131.
  2. "U-boat". Online Etymolgy Dictionary. Nakuha noong 2012-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)