[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Tuklong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Itinayo ang tuklong na ito, malapit sa Cambridge, Inglatera, noong mga 1100 bilang isang pook para sa pagsamba ng mga mamamayang may ketong dahil hindi sila inaanyayahang dumalo sa ibang mga simbahan.

Ang tuklong, kapilya, o bisita[1] (Ingles: chapel, Kastila: capilla) ay isang pook o gusaling - maliit na simbahan - itinuturing na banal at sambahan para sa mga Kristiyano. Maaari itong nakakabit sa isang kayariang katulad ng isang simbahan, kolehiyo, ospital, palasyo, bilangguan, o kaya libingan. Maaari rin itong isang malaya at gusaling hindi naman nakadikit sa isa pang gusali.[2]. Maaaring hindi ito isang malaking simbahang kapanalig ng isang parokya sa isang barangay o baryo, o nayon, sapagkat pribado o pansarili, o mayroong natatanging layunin. Sa mga baryo o barangay, maaari itong yari sa nipa at kawayan na nagsisilbing isang pansamantalang dambana o sambahan hanggang sa maging isang ganap na pangmatagalan at mas matibay na gusali.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Tuklong, kapilya, bisita". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Catholic Encyclopedia, NewAdvent.org

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.