Treno Alta Velocità
Ang Treno Alta Velocità SpA (o TAV) ay espesyal na may-layuning entidad na pag-aari ng RFI (pagmamay-ari mismo ni Ferrovie dello Stato) para sa pagpaplano at pagtatayo ng isang ugnayan ng mabilis na daang-baakal sa Italya.
Layunin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang layunin ng Treno Alta Velocità ay ang pagtatayo ng mga nakalaang koridor ng mabilis na daang-bakal kung saan ang mga kumbensiyonal na lunya ay puspos na. Ang unang pokus ay ang Milan hanggang Salerno at ang mga koridor ng Turin hanggang Trieste. Ang mga layunin ng proyekto ay kinabibilangan ng: paghanay ng mga operasyon ng Italyanong ugnayan ng tren sa estandardisasyon ng Europa; pagpapalawak ng pagkakaroon ng mabilis na daang-bakal sa buong bansa na pagpapabuti ng mga oras ng paglalakbay sa pagitan ng mga pangunahing lungsod ng Italya; makabuluhang pagtaas ng mga kapasidad ng linya at mga dalas ng tren, at pagpapahusay ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga panibagong kontrol at pagbibigay ng senyas ng tren. Ang mga bagong linya ng mabilis na daang-bakal ng Italy ay pangunahing gagamitin para sa mga serbisyo ng pasahero sa araw (AV – Alta Velocità, High-speed) at para sa kargamento (AC – Alta Capacità, High-capacity) sa gabi. Ang iba pang layunin ay mabawasan ang mga kumbensiyonal na linya na maaaring magamit para sa rehiyonal na transportasyon at mga serbisyo ng komyuter.