Tessa Dahl
Tessa Dahl | |
---|---|
Kapanganakan | 11 Abril 1957
|
Mamamayan | United Kingdom[1] |
Trabaho | artista, manunulat, mamamahayag, children's writer, artista sa pelikula, nobelista |
Kinakasama | Julian Holloway |
Anak | Sophie Dahl |
Magulang |
|
Si Chantal Sophia "Tessa" Dahl (ipinanganak 11 Abril 1957) ay isang Ingles may-akda at dating artista.
Si Dahl ay ipinanganak sa Oxford, anak ng British na may-akda na si Roald Dahl at Amerikana artista na si Patricia Neal.[2] Lumaki siya sa Great Missenden, Buckinghamshire, at nag-aral sa mga paaralang Roedean at Downe House, sa Elizabeth Russell Cookery School at sa Herbert Bergof Acting Studio.
Pagkatapos ng maikling panahaon bilang artista noong dekada 1970, si Tessa Dahl ay naging isang aktibong may-akda. Ang kanyang mga gawa ay kinabibilangan ng nobelang Working For Love at mga pambatang piksiyon. Ang kanyang aklat na Gwenda and the Animals ay nanalo ng Friends of the Earth Best Children's Book of the Year. Bilang karagdagan, siya ay nagsulat para sa London Times, Sunday Times, Daily Telegraph, "The Sunday Telegraph", Daily Mail, The Mail On Sunday, Vogue, House and Garden (USA) at sa YOU Magazine. Siya ay isang contributing editor pambabaeng glossy magazine na Tatler.
Ang relasyon ni Dahl sa aktor na si Julian Holloway ay nagbunga ng isang anak, ang modelo at may-akda na si Sophie Dahl; ang mag-asawa na naghiwalay pagkatapos.[3] Pinakasalan niya ang negosyanteng si James Kelly at nagkaroon ng dalawang anak, sina Clover at Lucas. Nang naghiwalay, pinakasalan niya ang negosyenteng si Patrick Donovan, na anak ni Ambassador Francis Patrick Donovan, at nagkaroon ng isang anak, si Ned.
Piling pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pelikula | Papel |
---|---|---|
1973 | Happy Mother's Day, Love George | Celia |
1975 | Royal Flash | First Girl |
1976 | The Slipper and The Rose | Princess |
1978 | Leopard in the Snow | Miss Framley |
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Working for Love (1988)
- The Same But Different (1988) – picture book
- Gwenda & the Animals (1989)
- School Can Wait (1990)
- Babies, Babies, Babies (1991) – picture book
- Everywoman's Experience of Pregnancy and Birth (1994)
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.gettyimages.com/detail/news-photo/british-journalist-and-childrens-writer-chantal-sophia-news-photo/73932121.
- ↑ "For Love and Money : Celebrity Daughter Tessa Dahl Wrote Her First Novel Because She Needed a Job.
- ↑ "Tessa Dahl: 'I'm so glad Sophie's marrying Jamie Cullum'" Mail Online, 3 September 2009.