Ted Failon
Ted Failon | ||
---|---|---|
Ipinanganak | Mario Teodoro Failon Etong 29 Marso 1962 Lungsod ng Tacloban, Leyte | |
Trabaho | Mamahayag sa himpapawid | |
Asawa | Trinidad Arteche-Etong (k. 1984–2009) | |
Anak | Katrina 'Kaye' Etong, Karishma Etong | |
Mga nagawa |
Si Ted Failon ay isang mamamahayag, tagapagbalita at komentador sa telebisyon at radyo, at dating politiko sa Pilipinas. Naging isa siyang Kinatawan ng Kongreso mula 2001 hanggang 2004 sa unang distrito ng Leyte.
Sa kasalukuyan, siya ang nangunguna sa mga programa ng DZMM tulad ng Radyo Patrol Balita: Alas Siete, Kabayan (kasama si Noli de Castro), at Tambalang Failon at Webb (kasama si Pinky Webb) at sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng TV Patrol at Failon Ngayon.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Failon sa Lungsod ng Tacloban, Leyte noong Marso 29, 1962.[1] Nagtrabaho noong bata pa siya upang isuporta ang kanyang pag-aaral, nakatapos siya sa St. Andrew's School sa Parañaque ng elementarya noong 1974, at mataas na paaralan sa University of Perpetual Help System Dalta Las Piñas Campus Department of Business High School noong 1979. Kumuha siya ng Batsilyer sa Ekonomika sa Colegio de San Juan de Letran habang nagtratrabaho bilang disc jockey sa EDSA at Cubao, Lungsod Quezon. Natamo niya ang Batsilyer sa Pakikipagtalastasan sa Pagsasahimpapawid (Broadcast Communication) mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa, Maynila noong 1996, at dumalo sa isang program ng Batsilyer sa Batas sa Pamantasan ng Arellano.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Cyril L. Bonabente (2009-04-16). "Failon on Estrada's Senate list". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2009-04-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.