[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Tamim bin Hamad Al Thani

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tamim bin Hamad Al Thani
Si Sheikh Tamim noong 2020
Emir ng Qatar
Panahon 25 Hunyo 2013 – kasalukuyan
Sinundan Hamad bin Khalifa Al Thani
Deputy Emir Abdullah bin Hamad Al Thani
Punong Ministro Abdullah bin Nasser
Khalid bin Khalifa bin Abdul Aziz
Asawa
Anak
  • Sheikha Al Mayassa
  • Sheikh Hamad
  • Sheikha Aisha
  • Sheikha Naylah
  • Sheikh Jassim
  • Sheikh Abdullah
  • Sheikha Rodha
  • Sheikh Joaan
  • Sheikh Alqaqaa
  • Sheikh Mohammed
  • Sheikha Moza
  • Sheikh Fahad
  • Sheikha Hind
Buong pangalan
Tamim bin Hamad bin Khalifa bin Hamad bin Abdullah bin Jassim bin Mohammed Al Thani
Lalad Thani
Ama Hamad bin Khalifa Al Thani
Ina Moza bint Nasser Al-Missned
Kapanganakan (1980-06-03) 3 Hunyo 1980 (edad 44)
Doha, Qatar

Si Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani ( Arabe: تميم بن حمد بن خليفة آل ثاني‎  ; ipinanganak noong 3 Hunyo 1980, Doha, Qatar) ay ang Emir ng Qatar na humalili sa kanyang ama, si Sheikh Hamad, pagkatapos na magbitiw si Hamad na sang-ayon sa kanyang pabor.

Si Tamim ang ikaapat na anak ng Emir na si Hamad bin Khalifa . Naging tagapagmana siya noong 2003 nang itakwil ng kanyang nakatatandang kapatid na si Sheikh Jassim ang kanyang pag-angkin sa trono. Naging emir siya nang magbitiw ang kanyang ama noong 2013.

Si Tamim rin ay isa sa mga kasangkot sa mga aktibidades para itaas ang internasyonal na estado ng Qatar. Isa na rito ang pagsasagawa at pagsasaayos ng mga sports event tulad ng 2022 FIFA World Cup, pati na rin ang pagbili ng Paris Saint-Germain FC.

Ekonomiya ng Qatar sa Ilalim ng Kanyang Pamumuno

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa isang pahayag sa Qatar Economic Forum noong 2022, sinabi ni Tamim na positibo siya sa magiging takbo ng bansa sa kinabukasan. Ang dahilan nito ay ang muling pagbukas ng ekonomiya at ang pagbabawas ng restriksyon ngayong hindi na gaano kalala ang epekto ng pandemya. Ayon rin sa emir, lalaki ng 4.9 na porsiyento ang GDP ng bansa dahil sa paglaki ng presyo ng enerhiya gayundin sa pagsuporta ng gobyerno sa mga sektor pang-ekonomiya at mga iba't-ibang pribadong sektor ng bansa.[1]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Sheikh Tamim bin Hamad inaugurates the Qatar Economic Forum". Economy Middle East (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)