[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Rhea Silvia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Rhea Silva sa sarcophagus sa Palazzo Mattei.Ipinapakita ang Diyos na si Marte na hahakbang sa ibabaw ni Rhea Silva na pinapatulog ni Somnus.

Si Rhea Silvia o Ilia ang ina ng tagapagtag ng Roma na sina Romulus at Remus sa Diyos na si Marte. Ayon kay Livy, si Rhea Silvia ay anak ni Numitor na hari ng Alba Longa at inapo ni Aeneas. Inagaw ng nakakabatang kapatid ni Numitor ang trono at pinatay ang anak na lalake ni Numitor na pumwersa kay Rhea Silvia na maging birheng Vestal. Ito ay sisiguro na ang lipi ni Numitor ay walang tagapagmana sa trono. Gayunpaman, naglihi at nanganak si Rhea Silva kina Romulus at Remus. Ayon kay Ovid, si Rhea Silvia ay sinipingan ng Diyos na si Marte. Nang malaman ni Amulius ang pangananak ni Rhea Silvia, siya ay ipinabilanggo ni Amulius at inutos ni Amulius sa isang alila na patayin ang kambal. Gayunpaman, nahabag ang alila at pinatangay sila sa agos ng ilog Tiber na nagdala sa sanggol sa pampang. Ang isang babaeng lobo ay nagpakain sa kanila. Kalaunang sinagip ni Faustulus ang kambal na sanggol at pinalaki ng kanyang asawa. Sinagip ng Diyos ng Ilog Tiber na si Tiberinus si Rhea Silvia at pinakasalan siya. Nang lumaki sina Romulus at Remus, kanilang itinatag angRoma at pinatalsik si Amulius at ibinalik si Numitor bilang hari ng Alba Longa.