[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pulo ng Panglao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pulo ng Panglao

Ang Panglao ay isang pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa Gitnang Kabisayaan na may kabuuang suka na 80.5 km kwadrado. Nahahati ang pulo sa dalawang bayan: Ang Dauis at Panglao, na bahagi ng Bohol. Ang Panglao ay matatagpuan sa timog kanluran ng pulo ng Bohol, at silangan ng pulo ng Cebu. Tanyag na destinasyong panturismo ang pulo sa Pilipinas na kinabibilangan ng maliit na mga pulo gaya ng Gak-ang, Pontod, at Balicasag.

Noong 2010, tinatayang may 68,051 ang populasyon ng pulo ng Panglao.[1]

Ang Panglao Island Nature Resort and Spa

Ang lupain ng Panglao ay binubuo ng kapatagan, burol at bulubundukin. Nabuo ang Panglao mula sa apog na Maribojoc, ang pinakabagong uri ng apog na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Bohol.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Total Population by Province, City, Municipality and Barangay: as of May 1, 2010" (PDF). 2010 Census of Population and Housing: Bohol. National Statistics Office, Republic of the Philippines. Nakuha noong 15 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.