[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kutsinta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Puto kutsinta)
Kutsinta
Ibang tawagKuchinta, Kutchinta, Puto kutsinta, Puto cuchinta
UriKakanin
KursoPanghimagas o merienda
LugarPilipinas
Ihain nangKatamtamang temperatura
Pangunahing SangkapBalinghoy o harinang-bigas, pulang asukal, lihiya, ginadgad na laman ng niyog

Ang puto kutsinta o kutsinta ay isang uri ng puto na matatagpuan sa buong Pilipinas. Gawa ito mula sa pinaghalong balinghoy o harinang-bigas, pulang asukal at lihiya, na pinakulay ng dilaw na pangkulay o katas ng annatto, at pinasingaw sa mga maliliit na ramekin. Tinatabunan ang mga nilutong kakanin ng kakagadgad na laman ng hinog na niyog.[1] Buong taon kinakain ito sa bilang minandal, at madalas na ibinebenta kasama ng puto. Hindi tulad ng katapat nito, na may malamasang habi, ang kutsina ay malahalaya at mangunguya. Maaari din itong pasarapin sa pagdaragdag ng latik para tumamis ito.

Dagdagan ng tubig-lihiya ang natunaw na pulang asukal. Pagkatapos, ihalo ito sa harinang-malagkit at harinang-bigas hanggang matunaw nang lubusan. Salain tapos alisin ang mga limpak; maaari dagdagan ito ng likidong pangkulay-pula. Pahiran ang hinulma ng langis-gulay at pasingawin ito hanggang mamuo ang tuktok kapag hinawakan. Matapos alisin mula sa init, palamigin ito bago tanggalin ito ng espatula mula sa hulma. Panghuli, itabunan ito ng gadgad na niyog o gamitin ito bilang sawsaw.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. del Mundo, Angelita M. "Emerging Versions of Some Traditional Philippine Rice Food Products." Disappearing Foods: Studies in Foods and Dishes at Risk: Proceedings of the Oxford Symposium on Food and Cookery. 1994
  2. "KUTSINTA". My Style Recipe. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 13, 2018. Nakuha noong September 13, 2018. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)