[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Prodyuser sa telebisyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang prodyuser sa telebisyon ay ang taong nangangasiwa sa lahat ng aspekto na mayroon sa produksyon ng bidyo sa isang programa sa telebisyon. May mga prodyuser na hindi lamang limitado sa pamamahala ng programa dahil maaari silang lumikha ng mga bagong programa at ihain ito sa mga himpilan ng telebisyon para maipalabas. Kapag natanggap ang programa, mas abala na ang prodyuser sa negosyong aspekto ng programa tulad ng badyet at mga kontrata. Ang ibang prodyuser naman ay mas abala sa pang-araw-araw na trabaho tulad ng pagsusulat ng senaryo, pagdisenyo ng set, paghahanap ng mga gaganap o casting at pagdidirehe.

May iba't ibang klase ng prodyuser sa isang programa sa telebisyon. Ang isang tradisyunal na prodyuser ay ang siyang namamahala sa pera na nakalaan sa palabas at sa pagtatakda nito ngunit hindi na ito karaniwan sa modernong telebisyon.

Mga uri ng prodyuser sa telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang iba't ibang uri ng prodyuser sa industriya ngayon ay ang mga sumusunod (ayon sa taas ng tungkulin):

Punong prodyuser
Mayroong apat na kahulugan ang katawagang ito sa Hilagang Amerika. Ang showrunner ay ang chief executive (punong ehekutibo) – ang namamahala sa lahat ng may kinalaman sa produksyon ng palabas. Itinuturing na pinakamataas na posisyon ito dahil siya ang responsable sa pagbuo at araw-araw na pangangasiwa ng palabas. Ang mga nakagawa na ng palabas, kilala na at may nauna nang nasagawang akda, ay awtomatikong ginagawaran ng titulong punong prodyuser, kahit na umalis na sila sa programa. Ang mga punong prodyuser ay maaaring maging mga showrunner, mga punong manunulat, CEO ng kumpanya ng produksyon na namamahala sa palabas o prodyuser mula sa tauhang nagsusulat na nakaangat sa puwesto.