[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Peka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pekah
Guhit ni Pekah ni Guillaume Rouillé sa Promptuarii Iconum Insigniorum
Kaharian ng Israel (Samaria)
Sinundan Pekahiah
Sumunod Hoshea
Ama Remaliah

Si Pekah ( /ˈpɛkɑː,_ˈpʔ/, Hebreo: פֶּקַחPeqaḥ; Acadio: 𒉺𒅗𒄩 Paqaḫa [pa-qa-ḫa]) ay hari ng Kaharian ng Israel (Samaria). Siya ay kapitan ng hukbo ni Pekahiah na kanyang pinatay at sumunggab sa trono nito. Si Pekah ay naging hari sa ika-52 taon ng paghahari ni Uzzias at naghari ng 20 taon. Ayon sa Tanakh, si Jotham na hari ng Kaharian ng Juda ay naging hari sa ika-2 taon ni Pekah. Ayon kay Albright, siya ay naghari mula 737 hanggang 732 BCE samantalang ayon kay E. R. Thiele sa pagsunod kay H. J. Cook[1] at Carl Lederer,[2], si Pekah ay naging hari na katungggali ni Menahem bilang hari ng Israel mula 752 BCE at naging nag-iisang hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) noong 740/739 BCE nang kanyang patayin ang anak ni Menahem na si Pekahiah hanggang 732/731 BCE.[3]

Petsa ng paghahari

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga salungatan sa Tanakh ay nagdulot ng malaking talakayan sa mga iskolar. Ayon sa 2 Hari 15:27, si Pekah ay naghari ng 20 taon na gumagawa sa kanyang hari sa trono noong 752 BCE. Ito ay umaayon sa 2 Hari 15:32 na si Jotham ng Kaharian ng Juda ay naghari sa ikalawang taon ni Pekah at si Ahaz na sumunod kay Jotham ay naghari sa kanyang ika-17 taon(2 Hari 16:1). Salungat dito, ang isang mas maikling paghahari ay ibinigay sa 2 Hari 15:27 na sinabing si Pekah ay naghari sa ika-52 taon ni Uzzias ng Kaharian ng Juda ca. 740 BCE.Ayon sa 2 Hari 15:25, pinatay ni Pekah si Pekahiah upang maging hari at si Pekahiah ay naghari ng 2 taon (2 Hari 15:23) na humalili sa sampung taon na paghahari ng kanyang amang si Menahem(2 Hari 15:17). Si Menahem ay nagbigay ng tributo kay Tiglath-Pileser III ayon sa 2 Hari 15:19(=Pul). Si Tiglath-Pileser ay naghari noong 745 BCE at ang tributo ni Menahem ay dapat noong 745 o pagkatapos nito ngunit ang mas mahabang paghahari ni Pekah na kahalili ni Menahem at Pekaiah at paghahari niyang 20 taon ay nagsimula bago ang 745 BCE. Dahil sa salungatang ito, itinakwil na karamihan ng mga iskolar ang sa mga kuwento sa Tanakh tungkol sa paghahari ni Pekah.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cook, H. J., "Pekah," Vetus Testamentum 14 (1964) 14121–135.
  2. Carl Lederer, Die biblische Zeitrechnung vom Auszuge aus Ägypten bis zum Beginne der babylonischen Gefangenschaft, 1887, cited in Cook, Pekah 126, n. 1.
  3. Edwin R. Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings (3rd ed.; Grand Rapids, MI: Zondervan/Kregel, 1983) 129–134, 217.