[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Parsing

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang parsing o pagsuri ng salita ay ang proseso ng pagsuri ng isang string ng mga simbolo, sa likas na wika o sa mga wikang pamprograma, na sumusunod sa mga alituntunin ng isang pormal na balarila. Nagmula ang katawagang parsing mula sa Latin na pars, na nangangahulugang bahagi ng pananalita.[1][2] Ang parsing ay may kaunting kaibahan sa kahulugan sa iba't-ibang sangay ng lingguwistika at ng agham pangkompyuter. Ang tradisyunal na pagpa-parse ng isang pangungusap ay kalimitang ginagawa bilang isang pamamaraan ng pag-intindi sa eksaktong kahulugan ng isang pangungusap, na may tulong galing sa mga aparato tulad ng mga banghay ng pangungusap. Ito ay kadalasan na nagbibigay-diin sa importansya ng mga dibisyon ng balarila tulad ng paksa at panaguri.

Sa lingguwistika ng kompyutasyon, ang parsing ay ginagamit upang sumangguni sa pormal na pagsusuri ng isang kompyuter ng isang pangungusap o lupon ng mga salita sa kanilang mga bahagi, na nagbubunga ng isang parse tree na nagpapakita ng kanilang relasyong palaugnayan, na maaari ding magkaroon ng impormasyong semantiko at iba pang impormasyon.

Ang parsing ay ginagamit din sa sikolingguwistika tuwing naglalarawan ng pagunawa ng wika. Sa kontekstong ito, ang parsing ay sumasangguni sa paraan ng pagsusuri ng mga tao sa isang pangungusap o parirala (sa wikang pasalita o teksto) "batay sa nasasakupan ng balarila, pagkilala sa mga bahagi ng pananalita, relasyong palaugnayan, atbp." Ang parsing ay karaniwang ginagamit tuwing tinatalakay kung ano ang naitutulong ng mga panglingguwistikang pahiwatig sa mga tagapagsalita upang maipaliwanag ang mga garden-path na pangungusap.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bartleby.com homepage" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-10. Nakuha noong 28 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "parse" (sa wikang Ingles). dictionary.reference.com. Nakuha noong 27 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)