Paleosoiko
Paleozoic | ||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
538.8 ± 0.2 – 251.9 ± 0.024 milyong taon ang nakakaraan | ||||||||||||||||
Kronolohiya | ||||||||||||||||
| ||||||||||||||||
Etimolohiya | ||||||||||||||||
Pormal | Formal | |||||||||||||||
Alterna5ibong pagbaybay | Palaeozoic | |||||||||||||||
Impormasyon sa paggamit | ||||||||||||||||
Celestial body | Earth | |||||||||||||||
Paggamit panrehiyon | Global (ICS) | |||||||||||||||
Ginamit na iskala ng panahon | ICS Time Scale | |||||||||||||||
Kahulugan | ||||||||||||||||
Yunit kronolohikal | Era | |||||||||||||||
Yunit stratigrapiko | Erathem | |||||||||||||||
Kahulugan ng mababang hangganan | Appearance of the Ichnofossil Treptichnus pedum | |||||||||||||||
Lower boundary GSSP | Fortune Head section, Newfoundland, Canada 47°04′34″N 55°49′52″W / 47.0762°N 55.8310°W | |||||||||||||||
GSSP ratified | 1992 | |||||||||||||||
Upper boundary definition | First appearance of the Conodont Hindeodus parvus. | |||||||||||||||
Upper boundary GSSP | Meishan, Zhejiang, China 31°04′47″N 119°42′21″E / 31.0798°N 119.7058°E | |||||||||||||||
GSSP ratified | 2001 |
Ang Era na Paleosoiko (Kastila: Paleozoico; mula Griyegong palaios (παλαιός), "matanda" at zoe (ζωή), "buhay", na nangangahulugang "sinaunang buhay") ang pinakauna sa mga erang heolohiko na sumasaklaw mula tinatayang 542 hanggang 251 milyong taon ang nakalilipas (ICS, 2004). Ito ang pinakamahabang ng mga era na Phanerozoic at nahahati sa mga anim na panahon mula pinakamatandang hanggang pinakabata: ang Cambrian, Ordovician, Silurian, Deboniyano, Carboniferous at Permian. Ang Paleozoic ay sumunod sa Neoproterosoiko ng eon na Proterozoic at sinundan ng erang Mesosoiko. Ang Paleozoic ay isang panahon ng dramatikong heolohikal, klimatiko at ebolusyonaryong pagbabago. Ang panahong Cambrian ay nakasaksi ng pinaka mabilis at malawak na dibersipikasyon ng buhay sa kasaysayan ng daigdig na tinatawag na pagsabog na Cambrian kung saan ang modernong phyla ay unang lumitaw. Ang mga isda, artropoda, mga ampibyano at mga reptilya ay lahat nag-ebolb sa panahong Paleozoic. Ang buhay ay nagsimula sa karagatan ngunit kalaunan ay lumipat sa lupain at sa huling Paleozoic, ito ay pinananaigan na ng iba't ibang mga anyo ng organismo. Ang mga malalaking mga gubat ng mga primitibong(sinaunang) mga halaman ay tumakip sa mga kontinente na ang karamihan ay nabuo sa mga kamang coal ng Europa at silanganing Hilagang Amerika. Tungo sa huli ng erang ito, ang malalaki at sopistikadong mga reptilya ay nanaig at ang unang modernong mga halaman na mga konipero ay lumitaw. Ang erang Paleozoic ay nagwakas sa isang pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig na pangyayaring ekstinksiyong Permian-Triasiko. Ang mga epekto ng katastropiyang ito ay nakapipinsala na ang buhay sa lupain ay tumagal nang mga 30 milyong tungo sa erang Mesosoiko upang makapanumbalik. [1] Ang pagpapanumbalik sa buhay na dagat ay maaaring naging mas mabilis. [2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sahney, S. and Benton, M.J. (2008). "Recovery from the most profound mass extinction of all time" (PDF). Proceedings of the Royal Society: Biological. 275 (1636): 759–65. doi:10.1098/rspb.2007.1370. PMC 2596898. PMID 18198148.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ url=http://www.economist.com/node/16524904