[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pagpapahid ng langis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagpapahid ng langis[1] ay ang paglalagay ng langis ng oliba sa ulo ng isang tao, may sakit man o wala. Sa mga Ebreo, ang pagpapahid ng langis ay naging mahalaga sa pagtatalaga sa kabanalan: kaya ito ginamit sa pagtatalaga ng pinakapunong pari[2] at ng mga banal na lalagyan.[3] Sa katagalan, ang mga hari at propeta ay binigyan na rin ng karapatang makibahagi sa sakramentong ito. Mismong ibig sabihin sa literal ng titulong mesiyas ay "pinagpahiran ng langis." Sinasagisag ng gawaing ito ang "pagtulong ng espiritu ng Diyos upang makapagsagawa ang taong iyon ng isang natatanging tungkulin."[4] Ayon kay Jose C. Abriol, isang larawan ang pagpapahid ng langis ng paghahanda para sa sakramento ng pagpapahid ng santo oleo o banal na langis sa may sakit, na tinatawag ding Extremauncion,[5] isang salitang nagbuhat sa wikang Kastila; nagbuhat din sa Kastila ang pariralang "santo oleo".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blake, Matthew (2008). "Anoint, pahiran ng langis". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mga Bilang 32.25. Magandang Balita.
  3. Eksodo 30.26
  4. The Committee on Bible Translation (1984). "Anoint". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Abriol, Jose C. (2000). "Extremauncion". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 13, pahina 1489.

HudaismoKristiyanismoKatolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo, Kristiyanismo at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.