[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pagodang Shwedagon

Mga koordinado: 16°47′54″N 96°08′59″E / 16.798354°N 96.149705°E / 16.798354; 96.149705
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagodang Shwedagon
ရွှေတိဂုံစေတီတော်
Relihiyon
PagkakaugnayBudismo
SektaBudismong Theravada
RegionRehiyon ng Yangon
PistaPista ng Pagodang Shwedagon (Tabaung)
Lupong namamahalaAng Lupon ng mga Tagapangalaga ng Pagodang Shwedagon
Katayuanaktibo
Lokasyon
MunisipalidadYangon
BansaMyanmar
Pagodang Shwedagon is located in Myanmar
Pagodang Shwedagon
Shown within Myanmar
Mga koordinadong heograpikal16°47′54″N 96°08′59″E / 16.798354°N 96.149705°E / 16.798354; 96.149705
Arkitektura
Nakumpleto1362/63 (o mas maaga pa)
1462
1775
Mga detalye
Taas (max)99 m (325 tal)[1]
Taas ng taluktok112 m (367 tal)[1]
Websayt
shwedagonpagoda.com.mm


Ang Pagodang Shwedagon (Mon: ကျာ်ဒဂုင်; Birmano: ရွှေတိဂုံဘုရား; MLCTS: hrwe ti. gum bhu. ra:, IPA: [ʃwèdəɡòʊɰ̃ pʰəjá]), opisyal na pinangalang Shwedagon Zedi Daw (Birmano: ရွှေတိဂုံစေတီတော်, [ʃwèdəɡòʊɰ̃ zèdìdɔ̀], lit. na 'Ginintuang Pagodang Dagon'), ay isang ginintuang stupa na matatagpuan sa Yangon, Myanmar.

Ang Shwedagon ay ang pinakasagradong pagoda ng mga Budista sa Myanmar, dahil pinaniniwalaang naglalaman ito ng mga relikiya ng apat na nakaraang Buddha ng kasalukuyang kalpa. Kabilang sa mga relikiya ang baston ni Kakusandha, ang pansala ng tubig ni Koṇāgamana, ang isang piraso ng balabal ni Kassapa, at walong hibla ng buhok mula sa ulo ni Gautama.[2]

Itinayo sa Burol ng Singuttara na may 51-metrong (167 ft) taas, 170 m (560 ft) ang taas ng pagoda mula sa dagat,[note 1] at nangingibabaw ito sa tanawin ng Yangon. Ang mga regulasyon ng Yangon sa pagsosona, na naglilimita sa sukdulang taas ng mga gusali hanggang 127 metro (417 talampakan) lamang mula sa dagat (75% ng taas ng pagoda mula sa dagat) ay nagpapasigurado sa kalitawan ng Shwedagon sa tanawin ng lungsod.[3]

Tanaw ng Dakilang Pagodang Dagon noong 1825, mula sa isang limbag mula kay Tenyenteng Joseph Moore ng ika-89 Rehimiyento ng Kanyang Kamahalan, inilathala sa isang portpolyo ng 18 tanaw noong 1825-1826 litograpiya

Ayon sa tradisyon, itinayo ang Pagodang Shwedagon mahigit 2,600 taon ang nakaraan, anupat ito ang pinakamatandang Budistang stupa sa mundo.[4] Ayon sa kuwento, nagkasalubong ang dalawang mangangalakal na kapatid Tapussa at Bhallika sa Gautama Buddha habang buhay pa siya at nakatanggap ng walong hibla ng buhok ng Buddha. Ipinakita ng mga kapatid ang walong hibla ng buhok kay Haring Okkalapa ng Dagon na nagdambana ng mga hibla kasama ng mga ilang relikiya ng tatlong nakaraang Buddha ng Gautama Buddha sa isang stupa sa Burol ng Singuttara sa Myanmar ng kasalukuyang panahon.[5]

Ang unang pagbanggit ng pagoda sa mga salaysay ng kamaharlikaan ay napepetsahang 1362/63 KP (724 ME) lamang kung kailan ipinataas ni Haring Binnya U (r. 1348–1384) ang pagoda ng 18 m (59 ft). Ipinapakita ng ebidensya sa mga Inskripsyon ng Pagodang Shwedagon mula sa paghahari ni Haring Dhammazedi (r. 1471–1492), ang isang talaan ng mga pag-aayos ng pagoda mula 1436. Higit sa lahat, ipinataas ito ni Reynang Shin Saw Pu (r. 1454–1471) ng 40 m (130 ft), at ginintuan ang bagong istruktura. Pagsapit ng simula ng ika-16 na dantaon, ang Shwedagon Pagoda ay naging pinakasikat na lugar ng Budistang peregrinasyon sa Burma.[6]

Nagdulot ng pinsala ang mga sunod-sunod na lindol sa mga kasunod na dantaon. Ang naging dahilan ng pinakamalubhang pinasala ay isang lindol ng 1768 na nagpabagsak sa tuktok ng stupa, ngunit ipinataas ito ni King Hsinbyushin noong 1775 sa kasalukuyang taas nito na 99 m (325 tal) (kung hindi susukatin ang taas ng hti (koronang malapayong)).

Iniabuloy ang isang bagong hti ni Haring Mindon Min noong 1871 pagkatapos ng pagsasanib ng Mababang Burma ng mga Briton. Napatabingi ng isang lindol ng katamtamang lakas noong Oktubre 1970 ang tagdan ng koronang malapayong. Itinayo ang isang bitayan at isinagawa ang malaking pagkukumpuni.

Ang Pista ng Pagodang Shwedagon, ang pinakamalaking pistang pampagoda sa bansa, ay nagsisimula sa bagong bulan ng buwan ng Tabaung sa tradisyonal na kalendaryong Birmano at nagpapatuloy hanggang bulang kabilugan.[7] Ang pagoda ay nasa Talaan ng Pamana ng Lungsod ng Yangon.

  1. Ang taas ng pagoda hanggang tutok (hanggang sa dulo ng hti nito) ay 112 m (367 tal) ayon sa (UNESCO 2018), at itinayo sa Burol ng Singuttara, na may taas na 51 m (167 tal) ayon sa "History of the Shwedagon" [Kasaysayan ng Shwedagon] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link), at may taas na 58 m (190 tal) mula sa dagat ayon sa "The Shwedagon Pagoda, Yangon" [Ang Padogang Shwedagon, Yangon] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Ministry of Religious Affairs and Culture, Myanmar (2018-12-06). "Shwedagon Pagoda on Singuttara Hill". UNESCO.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Tan, Heidi (Hulyo 29, 2016). "Curating the Shwedagon Pagoda Museum in Myanmar" [Pagpapangasiwa ng Museo ng Pagodang Shwedagon sa Myanmar]. Buddhistdoor Global (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 24, 2019. Nakuha noong Abril 24, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Oxford Business Group (2013). "Striking a balance: New housing and office projects are changing the landscape of cities" [Pagbabalanse: Binabago ng mga bagong proyekto sa pagpapabahay at pagpapaopisina ang tanawin ng mga lungsod] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-04-18. {{cite web}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hmannan Yazawin. Royal Historical Commission of Burma. 1832.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Shwedagon Pagoda | History of the gold plated diamond studded Yangon Pagoda" [Pagodang Shwedagon | Kasaysayan ng ginintuang kabit-diyamanteng Pagoda sa Yangon]. Renown Travel (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 30, 2017. Nakuha noong Abril 24, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. BURMA, D. G . E. HALL, M.A., D.LIT., F.R.HIST.S.Propesor Emeritus ng Unibersidad ng Londres at dating Propesor ng Kasaysayan sa Unibersidad ng Rangoon, Burma. Ikatlong edisyon 1960. Mga pahinang 35-36
  7. "Banned festival resumed at Shwedagon Pagoda" [Pinagbawalang pagdiriwang ipinagpatuloy sa Pagodang Shwedagon]. Mizzima News (sa wikang Ingles). Pebrero 22, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 25, 2012. Nakuha noong Pebrero 23, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)