Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Shoshenq V ang huling paraon ng Ikadalawampu't dalawang Dinastiya ng Ehipto ng mga Meshwesh Libyan na kumontrol sa Mababang Ehipto. Siya ang anak ni Pami ayon sa taong 11 na Serapeum stela mula sa kanyang paghahari. Ang kanyang pangalan sa trono na Akheperre ay nangangahulugang "Dakila ang Kaluluwa ni Re".[1] Ang paglibing ng dalawang mga toro ni Apis ay itinala sa taong 11 at taong 37 na kanyang paghahari.[2] Ang pinakamataas na taong petsa ni Shoshenq V ay isang hindi kilalang taong 38 na donasyong stela mula sa Buto na nilikha ng hepeng Libyan na si Tefnakht ng Sais ng tanging maaaring kabilang sa kanyang paghahari dahil si Tefnakht ay isang huling kakontemporaryo ng haring ito.[3] Ang stelang ito na simpleng mababasa bilang "Taong paghahari na 38 sa ilalim ng Kamahalan ng Hari ng Itaas at Ibabang Ehipto, Panginoon ng Dalawang mga Lupain, BLANKO, Anak ni Re, BLANKO" ay maaaring nagreplekta sa papalagong kapangyarihan ni Tefnakht sa Kanluraning Delta sa kapinsalaan ni Shoshenq V na ang pangalan ay inalis sa mula sa dokumento.[3] Si Shoshenq V ay pinaniniwalaang namatay noong mga 740 BCE pagkatapos ng isang paghaharing tumagal ng 38 taon. Sa kanyang kamatayan, ang ika-22 dinastiyang kaharian na Libyan sa Deltang Ehipsiyon ay natibag sa iba't ibang mga lungsod estado sa ilalim ng maraming mga munting lokal na hari gaya nina Tefnakht sa Sais atButo, Osorkon IV sa Bubastis at Tanis, at Iuput II sa Leontopolis.
- ↑ Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames & Hudson Ltd, (1994), p.185
- ↑ Kenneth A. Kitchen, The Third Intermediate Period in Egypt (1100–650 BC), 3rd edition, 1986, Warminster: Aris & Phillips Ltd, pp.103-104
- ↑ 3.0 3.1 Kitchen, p.104