[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Juan Maria Vianney

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa San Juan Vianney)
Si San Juan Maria Vianney.

Si San Juan Bautista Maria Vianney (Ingles: Saint Jean-Baptiste-Marie Vianney, Kastila: San Juan Bautista María Vianney) (Dardilly, 8 Mayo 1786 - Ars, 4 Agosto 1859) ay isang kura parokong Pranses na naging isang Katolikong santo at patrong santo ng mga kura paroko. Malimit siyang tinatagurian bilang "Curé d'Ars" o "Kura ng Ars", o "ang kura paroko ng nayon ng Ars-sur-Formans". Naging pandaigdigan ang kanyang katanyagan dahil sa kanyang gawain bilang pari at pastor sa kanyang parokya dahil sa radikal na transpormasyong espirituwal ng pamayanan at mga kapaligiran nito.

Noong Marso 2009, ipinahayag ni Papa Benedikto XVI ang pagiging Unibersal na Patron ng mga Pari ni San Juan Vianney para sa pagdiriwang ng Taon ng mga Pari mula 19 Hunyo 2009 hanggang 19 Hunyo 2010, at para sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kamatayan ng santong ito.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Year for Priests Naka-arkibo 2009-06-24 sa Wayback Machine., 19 Hunyo 2009 – 19 Hunyo 2010, Faithfulness of Christ, Faithfulness of Priests, Clergy, Consecrated Life and Vocations, United States Conference of Catholic Bishops, USCCB.org
  2. Glatz, Carol. Pope declares year of the priest to inspire spiritual perfection Naka-arkibo 2009-06-22 sa Wayback Machine., Pope-Priests, Catholic News Service, 16 Marso 2009, CatholicNews.com


TalambuhayPananampalatayaPransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pananampalataya at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.