[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

San Carlo ai Catinari

Mga koordinado: 41°53′39.1″N 12°28′30.9″E / 41.894194°N 12.475250°E / 41.894194; 12.475250
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Carlo ai Catinari
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonSimbahang titulo
Lokasyon
LokasyonItalya Roma
Mga koordinadong heograpikal41°53′39.1″N 12°28′30.9″E / 41.894194°N 12.475250°E / 41.894194; 12.475250
Arkitektura
(Mga) arkitektoRosato Rosati, Giovanni Battista Soria
UriSimbahan
Nakumpleto1638


Ang San Carlo ai Catinari, na tinatawag ding Santi Biagio e Carlo ai Catinari ("San Blas at San Carlos sa Catinari") ay isang maagang-estilong Baroque na simbahan sa Roma, Italya. Matatagpuan ito sa Piazza Benedetto Cairoli, 117 sa kanto lamang ng Via Arenula at Via dei Falegnami, ilang mga bloke sa timog ng simbahan ng Sant'Andrea della Valle.

Ang katangiang ai Catinari ay tumutukoy sa pagkakaroon, sa oras ng pagtatayo nito, ng maraming gumagawa ng mga kahoy na palanggana na nagtrabaho sa lugar.[1] Ang simbahan ay kinomisyon ng Orden ng mga Barnabitas at pinondohan ng pamayanang Milanese sa Roma upang parangalan ang kanilang kapuwa Milanese na si San Carlos Boromeo (Italyano: San Carlo ). Ito ay isa sa hindi bababa sa tatlong simbahang Romano na alay sa kaniya, kasama na ang San Carlo al Corso at San Carlo alle Quattro Fontane (San Carlino).

Ang pangunahing disenyo ay mula kay Rosato Rosati sa pagitan ng 1612 at 1620, sa pribadong gastos ni Kardinal Giambattista Leni.[2] Ang travertinong patsada ay idinisenyo ni Giovanni Battista Soria at ang konstruksiyon ay nangyari noong 1635-38. Ang simboryo ay isa sa pinakamalaki sa lungsod.[1]

Annunciazione - Lanfranco (Catinari)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Jones, Pamela J., Altarpieces and Their Viewers in the Churches of Rome from Caravaggio to Guido Reni, Routledge, 2017, p. 142ISBN 9781351576970 Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "Jones" na may iba't ibang nilalaman); $2
  2. Head, George. Rome: A Tour of Many Days, Vol. 1, London, Longman, Brown et al, 1849, p. 437 Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.