[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Munhwaŏ

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Munhwaŏ
Hangul문화어
Hanja文化語
Binagong RomanisasyonMunhwaeo
McCune–ReischauerMunhwaŏ

Ang Munhwaŏ (Chosongul: 문화어, Hanja: 文化語; literal: Pangkalinangan o Pangkulturang Wika) ay ang katawagan sa pamantayang wika ng Wikang Koreano sa Hilagang Korea. Naging pamantayan ang Munhwaŏ noong 1966, kung saan ipinahayag na magiging batayan nito ang Wikaing Pyongan na ginagamit sa Pyongyang pati ang mga nakapalibot na lugar dito, kabilang ang Pyongannam, Pyonganbuk at Chagang. Ganoon pa man, pagdating sa paggamit, iniulat nila Iksop Lee at S. Robert Ramsey na nananatiling "malalim na nakaugat" ang Munhwaŏ sa Wikaing Seoul, ang siyang pambansang pamantayan sa loob ng ilang nagdaang sentenaryo. Karamihan sa mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pamantayang pang-Hilaga at pang-Timog Koreano ay nag-uugat sa pagkakapalit sa bokabularyong Sino-Koreano at sa iba pang mga salitang hiram ng mga purong salitang Koreano, o ang panghilagang ideolohiyal na pagpili para sa "pananalita ng pangkawanggawang kaurian" na kabilang ang ibang mga salitang hindi matatagpuan o pamantayan sa Timog.[1]

  1. Lee & Ramsey 2000, p. 309

WikaHilagang Korea Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Hilagang Korea ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.