[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Muta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang muta (Ingles: rheum, play /ˈrm/; mula sa Griyegong ῥεῦμα, rheuma, isang "pagdaloy"; gound) ay isang manipis na uhog na likas na idinidiskarga o inilalabas bilang isang matubig na sustansiya magmula sa mata, ilong o bibig habang natutulog (na kaiba sa mananang uhog.[1][2][3] Ang muta ay natutuyo at naiipon bilang isang upak o malutong na "balat" sa mga sulok ng mga mata o bibig, sa ibabaw ng talukap ng mata, o sa ilalim ng ilong.[3] Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng uhog o mukus (sa kaso ng mga mata, na binubuo ng mucin na lumabas magmula sa kornea o konhunktiba), natuyong uhog sa ilong, mga selula ng dugo, mga selula ng balat, o alikabok. Ang muta mula sa mga mata ay partikular na pangkaraniwan. Sa pagising na tao, ang pagpikit at pagdilat ng talukap ng mata ay nagdurulot sa muta na mahugasang papalabas sa piling ng luha sa pamamagitan ng duktong nasolakrimal. Ang kawalan ng ganitong galaw habang natutulog ay nagreresulta sa maliit na dami ng natuyong muta na naiipon sa mga sulok ng mata, na pinakanapupuna sa mga bata.

May ilang mga kalagayan na makapagsasanhi ng pagtaas ng produksiyon ng muta sa mata. Sa kaso ng konhuktibitis na alerhiko, ang pagbubuo ng muta ay maaaring marami, na sa maraming mga pagkakataon ay nakapagpapahirap na mabuksan ng may sakit ang mata kapag hindi muna nilinis ang pook ng mata. Ang pagkakaroon ng nana ay isang pagkakataon ng mabigat na pamumuo ng muta at magpapahiwatig ng panunuyo ng mata o konhunktibitis, sa piling ng iba pang mga impeksiyon.

Sa paminsan-minsan, sa unang taon ng isang sanggol, nabibigong bumukas ang daluyan ng luha. Nagdurulot ito ng epiphora, na ang pagkakaroon ng hindi hayag na mga duktong nasolakrimal (lagusan ng uhog sa ilong at luha sa mata) ay nagdurulot ng kawalan ng lalabasan ng mga luha magmula sa katawan, kung kaya't ang muta ay pinapakawalan sa pamamagitan ng paglagos sa nakapaligid na balat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Rheum (discharge)". Memidex Dictionary/Thesaurus. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-09. Nakuha noong 2009-04-22.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Amodio, Aimee."Where Do Eye Boogers Come From?", Families.com blog
  3. 3.0 3.1 Hiskey, Daven. "What the 'Sleep' In Your Eyes Is", Today I Found Out, 23 February 2011.