[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Mikronasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mikronasyon, o proyektong bagongbansa (new country project sa Ingles), ay isang entidad o organisasyon na umaangkin ang katayuang bansang independente ngunit hindi kininilala ng mga bansang soberaniya ni ng mga organisasyong pandaigdig tulad ng United Nations.

Ang Prinsipalidad ng Sealand ay isang halimbawa ng mikronasyon.

Ang mga mikronasyon ay naiiba sa mga kathang-isip na bansa sapagkat ang mikronasyon ay may lehitimong organisasyon at pormal na pag-aangkin ng teritoryo o soberaniya.