Mga batas ng sirkito ni Kirchhoff
Ang mga batas ng sirkito ni Kirchhoff ang dawalang tinatayang mga pagkakatumbas na nauukol sa kuryente at boltahe sa mga sirkitong elektrikal. Ang mga ito ay unang inilarawan noong 1845 ni Gustav Kirchhoff. Ito ay naglalahat sa gawa ni George Ohm at nauna kay James Clerk Maxwell. Ito ay malawakang ginagamit sa inhenyeriyang elektrikal at tinatawag ring mga patakaran ni Kirchhoff o simpleng mga batas ni Kirchhoff. Ang parehong mga batas ni Kirchhoff ay mauunawa bilang mga korolaryo ng mga ekwasyon ni Maxwell sa hangganang mababang prekwensiya na kombensiyal na tinatawag na mga sirkitong DC. Ang mga ito ay nagsilbing mga unang pagtatantiya para sa mga sirkitong AC.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.