[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Maid Sama!

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Maid Sama!
Katulong ang isang Pangulo!

Kaichō wa Maid-sama!
Pabalat ng unang bolyum ng Kaichō wa Maid-sama! na inilathala ng Hakusensha, na itinatampok sina Misaki Ayuzawa (kanan) at Takumi Usui (kaliwa).
会長はメイド様!
DyanraRomantikong komedya
Manga
KuwentoHiro Fujiwara
NaglathalaHakusensha
MagasinLaLa
DemograpikoShōjo na manga
TakboDisyembre 2005 – kasalukuyan
Bolyum12
Teleseryeng anime
DirektorHiroaki Sakurai
EstudyoJ.C.Staff
Inere saTBS
Takbo1 Abril 2010 – 23 Setyembre 2010
Bilang26 (Listahan ng episode)
 Portada ng Anime at Manga

Ang Maid Sama!, mas kilala sa Hapon bilang Kaichō wa Maid-sama! (会長はメイド様!, salin: Katulong ang isang pangulo!) ay isang seryeng shōjo na manga ni Hiro Fujiwara. Kasalukuyan ito ininunuran sa buwanang magasin na shōjo manga ng Hakusensha na LaLa. Kasalukuyang mayroon na ito nailalathalang 12 bolyum sa ilalim ng palimbagang Hana to Yume Comics sa bansang Hapon.[1] Sa kanilang Anime Expo noong 2008, inanunsiyo ng isang tagalathala sa Hilagang Amerika na Tokyopop ang kanilang mga bagong lisensiyadong serye at ang Kaichō wa Maid-sama! ay papamagatang Maid-sama!.[2] Isang adapsiyong anime ang sinimulang ipalabas noong 1 Abril 2010.[3]

Ang Mataas na Paaralang ng Seika (Ingles:Seika Mataas Paaralan) ay isang paaralan na para sa mga kalalakihan at kilala sa kanilang pasaway na estudyante at kinakatakutan ng mga kababaihan na kung saan ay naging paaralang co-ed. Kasama na ang kakaunting populasyon ng mga kababaihan na laging kinakatakutan ang laging antigong kalalakihan, kinuha ni Misaki Ayuzawa ang pagbabagong hinahangad na kung saan ang lahat ng mga kababaihan ay makakaramdam ng kaligtasan sa marahas na kapaligiran.

Nakakuha ng maraming reputasyon si Misaki sa lahat ng mga kalalakihang mag-aaral dahil sa kanyang pagsasanay, pag-aaral at unang babaeng naging panglo ng konseho ng mga mag-aaral subalit kilala rin siya sa kinaaayawang diktador ng nga kalalakihan at tanging pag-asa ng mga guro at kasamahang kababaihang mag-aaral. Subalit, kahit na mayroong marahas na pagkakakilanlan, palihim siyang nagtatrabaho sa isang maid cafe ng mga katulong para masuportahan ang kanyang pamilya. Sa kamalasan, nanganib ang kanyang pinagsikapang reputasyon nang malaman ng isang popular, atraktibo at impasibong si Takumi Usui na nagkaroon ng interes pagkatapos makita na nakasuot siya ng kasuotang pangkatulong pagkatapos ng pag-aaral sa araw na iyon.

Ang mga kronolohiya ng Maid Sama! ay ang pangaraw-araw na pamumuhay sa isang sekundaryang paaralan na kilala bilang Mataas na paaralan ng Seika na binubuo ng 80 porsiyento ng mga kalalakihan at ang mga natitira ay mga kababaihan. Ngunit, Si Misaki Ayuzawa ang kauna-unahang babae na naging pangulo ng konesho ng mga estudyante na pinagkakatiwalaan ng mga guro at mga magaaral na kababaihan. Kilala siya sa pagiging magagalitin at mahigpit sa mga kalalakihan samantalang mabait at mapagbigay sa mga kababaihan. Si Takumi Usui naman ang nakadiskubre na ang pangulo ay isang katulong sa isang kainan sa kalapit na baryo at naging malapit ang kanyang loob dito. Sa Maid Latte kung saan siya nagtatrabaho, kasama niya sina Satsuki, Honoka, Erika, Subaru, Sayu at Gon-Chan, Sen at Mochi, Aoi Hyoudou, at Nagisa Hyoudouna kung saan ay tumulong kay Misaki na solusyonan ang kanyang mga problema at pagbibigay ng mga opinyon. Ngunit hindi niya ipinapaalam sa mga estudyante ng kanyang paarlan at kanyang kamag-aral na siya ay nagtatrabaho bilang katulong dahil sa takot na mawala ang kanyang reputasyon at pingahirapang pagsisikap na maiangat ang paaralan.

Sa kabuuan ng serye, tatlo ang mga pinangyarihan ng kuwento. Ang Mataas na Paaralan ng Seika na kung saan si Misaki at ang ibang tauhan ay nag-aaral. Kilala ito sa pagiging paaralan ng mga kalalakihan na naging isang edukasyonal (co-ed) dahil na rin sa mga pinaiiral na pagdidisiplina ng kanilang pangulo ng konseho ng mga estudyante.

Sa Maid Latte naman nagtatrabaho si Misaki. Napili ito ni Misaki sapagkat may isang baryo ang layo nito sa paaralan at hindi nito gustong malaman ng kanyang mga kamag-aral na siya ay nagtatrabaho ng ganoon lamang (kahit na may ilang tao na ang nakakaalam ng kanyang lihim). 850 yen ang orasang sweldo ng mga trabahador at 750 yen naman sa buwanang pagsasanay lamang. Para mapasasaya ang mga tao, kadalasan silang nagsusuot ng mga kasuotan tulad ng pagsusuot ng tenga ng pusa, at tenga ng kuneho. Nagsasagawa rin sila ng mga aktibidad tulad ng araw ng mga guro, araw ng mga tao at iba pa. Nagkakaroon sila ng mga paligsahan tulad ng pagiipon ng mga puntos na kung saan ay magagamit nila ito sa pakikipagtuos sa mga tauhan at kapag nanalo, pagbibigyan silang makakuha ng larawan.

Pabalat ng ikalimang bolyum ng Maid Sama! na inilathala ng Hakusensha, na itinatapok si Misaki Ayuzawa na kinakain si Usui Takumi at hawak ang isang keyk ng pangkalahatang tauhan ng palabas sa isang plato.

Paghuli naman ang Mataas na paaralan ng Miyabigaoka (Ingles:Miyabigaoka High School). Salungat sa paaralan ni Misaki, ang paaralan nito ay kakikitaan ng mga mayayaman at eleganteng estudyante. Dahil sa layo nito, kinakailangan pang sumakay ng bus para makarating lamang.

Drama sa Radyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Hapon, tatlong drama sa radyo ang nailathala sa ilalim ng pamagat na manga na Kaichō wa Maid-sama (会長はメイド様) na nailathala noong Abril 2007 Oktubre 2007 at Mayo 2008. Lumabas ito sa Lala DX sa pagitan ng Pebrero hanggang Marso 2008 bilang karagdagan sa magasin.

Isang drama CD para sa Kaichō wa Maid-sama ay ang naipalabas sa Hapon na may pamagat na It's animated Master! Drama CD (ルは「ご主人様アニメ化ですよ!ドラマCD!) na kung saan ay ipinapakita na ang disenyo at mga tauhan na sinasanay sa isang sikolohikal na pagsusulit[4].

Isinulat at inilustra ang Maid Sama! ni Hiro Fujiwara. Ininurana ng serye sa magasing shōjo manga ng Hakusensha na may pamagat na LaLa, at kinolekta ang mga inuran ang kabanata sa labing-isang bolyum. Unang naipalabas ang isa noong 5 Setyembre 2006,[5] at ang ikalabingdalawang bolyum ay noong 4 Pebrero 2011.[6]

Sa labas ng Hapon, nilisensiyahan ang serye ng Tokyopop sa Hilagang Amarika,[7] at ang Pika Édition sa Pransiya.[8]


Blg.Petsa ng paglabas (wikang Hapones)ISBN (wikang Hapones)Petsa ng paglabas (wikang Ingles)ISBN (wikang Ingles)
01 Setembre 5, 2006[5]ISBN 45921843197 Abril 2009[7]ISBN 978-1-4278-1403-6
  • 001. "Ang Pangulo ng konseho ng mga Mag-aaral ay isang Katulong!"
  • 002. "Isang Maid kahit sa Pagdiriwang sa Paaralan"
  • 003. "Si Misaki M at dalawang S"
  • 004. "Misaki shishou"
02 5 Pebrero 2007[9]ISBN 978459218432411 Agosto 2009[10]ISBN 978-1-4278-1404-3
  • 005. "Labanan ng Ahedres sa Miyabigaoka"
  • 006. "Si Misa-chan bilang isang lalaki"
  • 007. "Igarashi Tora"
  • 008. "si Misa Chan at Igarashi Tora"
  • 009. "Unang bahagi ng Pagdiriwang ng Isports"
03 4 Agosto 2007[11]ISBN 978459218433112 Enero 2010[12]ISBN 978-1-4278-1405-0
  • 010. "Ikalawang bahagi ng Pagdiriwang ng Isports"
  • 011. "Hindi alam"
  • 012. "Araw ng mga maliliit na kapatid na babae?!!!"
  • 013. "Hindi alam"
  • 014. "Istoryang Gilid"
  • 015. "Hindi alam"
04 5 Disyembre 2007[13]ISBN 978459218434813 Abril 2010[14]ISBN 978-1-4278-1406-7
  • 016. "Hindi alam"
  • 017. "Hindi alam"
  • 018. "Hindi alam"
  • 019. "Hindi alam"
  • 019.1. "Istoryang Gilid - At, Si Momotarou ay naging Maid-sama!"
  • 019.2. "Istoryang Gilid - Ang tatlo ay naging Maid-sama!"
05 2 Mayo 2008[15]ISBN 978459218435513 Hulyo 2010[16]ISBN 978-1-4278-1689-4
  • 020. "Hindi alam"
  • 021. "Hindi alam"
  • 022. "Hindi alam"
  • 023. "Hindi alam"
  • 024. "Unang pagkakataon na mabisita ang bahay ni... Usui?"
  • 025. "Hindi alam"
06 5 Setyembre 2008[17]ISBN 978459218686128 Setyembre 2010[18]ISBN 978-1-4278-1690-0
  • 026. "Ang bagong lipat na mag-aaral, ang paglabas ni Shintani Hinata"
  • 027. "Unang bahagi ng Labas na Paglalakbay ng Paaralan"
  • 028. "Ikalawang bahagi ng Labas na Paglalakbay ng Paaralan"
  • 028.1. "Ispesyal na kabanata - "Asul na Tagsibol"
  • 028.2. "Istoryang Gilid - Ang Pangalawang Pangulo ay isang Prinsipe!?"
07 3 Abril 2009[19]ISBN 978459218687830 Nobyembre 2010[20]ISBN 978-1-4278-1819-5
  • 029. "Ang Paligsahan ng Pagkain"
  • 030. "Sensei, Nasa malaking gulo si Misaki-chan!!"
  • 031. "Ang Sikretong Usapan ng mga Babae"
  • 032. "Gusto mo bang Ialay ang sarili mo sa akin?"
  • 032.5. "Istoryang Gilid - Si Aoi at ang kanyang Masasayang Kaibigan"
08 4 Setyembre 2009[21]ISBN 97845921868851 Marso 2011[22]ISBN 978-1-4278-1820-1
  • 033. "Pumasok sa mundo ng mga Mangkukulam"
  • 034. "Ang mga bagay na hinihiling niya, ay parating, isang bagay lamang"
  • 035. "Ang mensahe sa pagitan ng kanyang mga mata"
  • 036. "Nasa malaking gulo ang Konseho ng mga Mag-aaral ng Mataas na Seika High!?"
  • 036.1. "Istoryang Gilid - Ang Walang Alam at Mapagbigay at Bayani"
  • 036.2. "Istoryang Gilid - Isang umaga sa silid ng Konseho ng mga Mag-aaral"
09 5 Abril 2010[23]ISBN 978459218689231 Mayo 2011[24]ISBN 978-1-4278-0519-5
10 4 Hunyo 2010[25]ISBN 978459219180320 Setyembre 2011[26]ISBN 978-1-4278-3163-7
11 5 Agosto 2010[27]ISBN 978459219181027 Disyembre 2011[28]ISBN 978-1-4278-3258-0
12 4 Pebrero 2011[6]ISBN 9784592191827-
Bilang ng bolyum  Hapon  Taiwan  Hong Kong  Singapore
Petsa ng Paglabas ISBN Petsa ng Paglabas IAN Petsa ng Paglabas ISBN Petsa ng Paglabas ISBN
1 5 Setyembre 2006 ISBN 978-4-592-18431-7 3 Mayo 2007 EAN 4710765213879 12 Disyembre 2006 ISBN 978-988-215-200-7 Hunyo 2006 ISBN 978-981-269-779-0
2 5 Pebrero 2007 ISBN 978-4-592-18432-4 4 Oktubre 2007 EAN 4710765218454 1 Abril 2007 ISBN 978-988-215-278-6 24 Hulyo 2007 ISBN 978-981-269-814-8
3 4 Agosto 2007 ISBN 978-4-592-18433-1 17 Abril 2008 EAN 4712805823017 9 Oktubre 2007 ISBN 978-988-215-447-6 27 Nobyembre 2007 ISBN 978-981-276-152-1
4 5 Disyembre 2007 ISBN 978-4-592-18434-8 3 Hulyo 2008 EAN 4712805825141 4 Pebrero 2008 ISBN 978-988-215-566-4 4 Marso 2008 ISBN 978-981-276-316-7
5 2 Mayo 2008 ISBN 978-4-592-18435-5 17 Oktubre 2008 EAN 4712805827916 5 Agosto 2008 ISBN 978-988-215-727-9 26 Agosto 2008 ISBN 978-981-276-600-7
6 5 Setyembre 2008 ISBN 978-4-592-18686-1 8 Disyembre 2008 EAN 4712805829248 3 Disyembre 2008 ISBN 978-988-215-797-2 20 Enero 2009 ISBN 978-981-276-730-1
7 3 Abril 2009 ISBN 978-4-592-18687-8 17 Agosto 2009 EAN 4711552445053 6 Hulyo 2009 ISBN 978-988-215-985-3 7 Setyembre 2009 ISBN 978-981-276-XXX-X
8 4 Setyembre 2009 ISBN 978-4-592-18688-5 7 Enero 2010 EAN 4711552448856 6 Nobyembre 2009 ISBN 978-988-8029-94-5 9 Marso 2010 ISBN 978-981-276-990-9
9 5 Abril 2010 ISBN 978-4-592-18689-2 7 Oktubre 2010 EAN 4713469355340 7 Hunyo 2010 ISBN 978-988-8031-72-6 27 Setyembre 2010 ISBN 978-981-4306-56-0
10 4 Hunyo 2010 ISBN 978-4-592-19180-3 7 Disyembre 2010 EAN 4713469356644 5 Agosto 2010 ISBN 978-988-8032-46-4 7 Disyembre 2010 ISBN 978-981-4323-23-9
11 5 Agosto 2010 ISBN 978-4-592-19181-0 12 Agosto 2011 15 Oktubre 2010 ISBN 978-988-8033-01-0 22 Pebrero 2011 ISBN 978-981-4323-65-9
12 4 Pebrero 2011 ISBN 978-4-592-19182-7
Larawang paanyaya ng Maid Sama! bilang isang seryeng anime na itinatampok sina Misaki Ayuzawa (kaliwa) at Usui Takumi (kanan).

Inanunsiyo sa isang babasahin noong Oktubre 2009 ng LaLa na magkakaroon ng isang adapsiyong telebisyong serye na naglalaman ng 26 episodyo.[3] Ito ay ipinalabas sa TBS at BS-TBS sa kasagsagan ng Tagsibol noong 2010.[29] Binunyag naman sa isang babasahin noong Abril 2010 ng LaLa na ipapalabas ito sa darating na 1 Abril 2010 sa darating na 1:55 ng madaling araw. Ipinakita rin ang adapsiyon sa Tokyo International Anime Fair kasama sina Ayumi Fujimura, Nobuhiko Okamoto, Kana Hanazawa at Yū Kobayashi.[30] Nilisensiyahan ang seryeng anime ng Sentai Filmworks, kasama ang kasalukuyang pagpapalabas ng serye ng Anime Network sa kanilang bidyong portada.[31] Ilalabas naman ng isang tagapamahagi ng mga anime na Section23 Films ang unang DVD na may subtitulo sa darating na 7 Hunyo 2011.[32]

Inanunsiyo naman ang talaan ng mga miyembro at pinamunuan ni Hiroaki Sakurai ang serye kasama ang komposisyong serye na gawa ni Mamiko Ikeda na gumawa ng komposisyong serye ng seryeng Emma: A Victorian Romance at ang pinakabagong seryeng Rental Magica at Hanasakeru Seishōnen habang ang tauhang panganimasyon ay gawa ni Yuki Imoto at si Tōru Motoyama ang gumawa at kompositor ng kanta. Ginawang animasyon ang serye ng J.C.Staff na gumawa rin sa Honey and Clover, Toradora! at Nodame Cantabile.[33] Sina Ayumi Fujimura at Nobuhiko Okamoto ang gumanap bilang sina Misaki Ayuzawa at Takumi Usui.[33]

Si Saya Mizuno[34] (水野 佐彩) ang kumanta ng My Secret na makikita sa pambungad ng palabas. Binuo ito ni Yamamoto Yuusuke[35] at isinaayos ni Wataru[36].

Dalawa ang pangwakas na kanta, una na rito ang Yokan na isinulat ni Yoshiko[37] at Nao[38] na inawit ng Heidi.. Ginamit ang kanta na ito sa pagitan ng mga episodyo 1 hanggang 15[39]. Ang Yokan naman ang ikalawang kanta na ginamit sa mga episodyo 16 hanggang 26[40] na kinanta ng heidi. na kung saan ay ininterpreta at isinaayos. Tinanggap naman ang tatlong mga kantang ito ng Geneon Universal Entertainment Japan[41].

  1. "s-book.net Library Service - 会長はメイド様!" (sa wikang Hapones). s-book.net/Hakusensha. Nakuha noong 27 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Tokyopop Announces New Manga Titles (Update 2)". Anime News Network. 5 Hulyo 2008. Nakuha noong 27 Agosto 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Kaichou wa Maid-sama! Shōjo Manga Gets TV Anime". Anime News Network. 21 Agosto 2009. Nakuha noong 22 Agosto 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "「会長はメイド様!」LaLaにドラマCD付録&原画展を開催". LaLa. 24 Marso 2010. Nakuha noong 22 Agosto 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "会長はメイド様! 1" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "会長はメイド様! 12" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 15 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Maid Sama! Volume 1". Tokyopop. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-23. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Maid sama / Shôjo" (sa wikang Pranses). pika.fr. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Pebrero 2010. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "会長はメイド様! 2" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Maid Sama! Volume 2". Tokyopop. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-08. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "会長はメイド様! 3" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Maid Sama! Volume 3". Tokyopop. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-11. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "会長はメイド様! 4" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Maid Sama! Volume 4". Tokyopop. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-11. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "会長はメイド様! 5" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Maid Sama! Volume 5". Tokyopop. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-27. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "会長はメイド様! 6" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Maid Sama! Volume 6". Tokyopop. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-27. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "会長はメイド様! 7" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Maid Sama! Volume 7". Tokyopop. Nakuha noong 17 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "会長はメイド様! 8" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Maid Sama! Volume 8". Tokyopop. Nakuha noong 17 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "会長はメイド様! 9" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Maid Sama! 9". Borders Group. Nakuha noong 28 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  25. "会長はメイド様! 10" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Maid Sama! 10". Borders Group. Nakuha noong 28 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  27. "会長はメイド様! 11" (sa wikang Hapones). Hakusensha. Nakuha noong 3 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Maid Sama! 11". Borders Group. Nakuha noong 28 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  29. http://fujihiron.jugem.jp/?eid=213
  30. "TBSアニメーション・「会長はメイド様!」公式ホームページ / 最新情報 - 10年2月記事" (sa wikang Hapones). Tokyo Broadcasting System. Nakuha noong 5 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Anime Network To Begin Streamin Maid Sama On Hunyo 15". Anime News Network. 8 Hunyo 2010. Nakuha noong 8 Hunyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Section23 Films Announces June Slate". Anime News Network. 2011-03-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. 33.0 33.1 "TBSアニメーション・「会長はメイド様!」公式ホームページ / スタッフ&キャスト" (sa wikang Hapones). Tokyo Broadcasting System. Nakuha noong 2 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Saya Mizuno (Tasuku Aya Mizuno)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-10. Nakuha noong 2011-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Yamamoto Yuusuke". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-20. Nakuha noong 2011-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Wataru". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-26. Nakuha noong 2011-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Yoshiko". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-11. Nakuha noong 2011-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Nao". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-11. Nakuha noong 2011-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Mga Episodyo Naka-arkibo 2011-11-20 sa Wayback Machine. na kung saan ginamit ang kantang Mugen Loop
  40. Mga episodyo Naka-arkibo 2013-03-14 sa Wayback Machine. na kung saan ginamit ang ∞ Loop
  41. Pagtanggap ng Geneon Enetertainment

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]