[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Moro-moro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang moro-moro ay isang uri ng "komedya" sa Pilipinas na isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Kastila laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog ng Pilipinas.

Ang orihinal na mga teksto ay nagmula sa mga komedya ng Moors (Moro) at Kristiyano ng Espanya, na tumatalakay sa mga pakikibaka sa pagitan ng mga kaharian ng Muslim at mga kaharian ng Kristiyano sa Espanya sa panahon ng Reconquest. Sa ngayon, ang mga tekstong ito ay kinakatawan pa rin sa mga pagdiriwang ng mga Moro at Kristiyano sa Espanya at sa mga kolonya ng dating imperyong Espanyol, tulad ng Mexico o Pilipinas, kung saan nagmula ang Moro-Moro.

PanitikanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.