[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Linyang Ueno–Tokyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Linyang Ueno-Tokyo)
Linyang Ueno–Tokyo
Isang seryeng E233-3000 na EMU, isa sa mga uri ng tren na ginagamit ng Linyang Ueno–Tokyo
Buod
Katutubong pangalan上野東京ライン
UriPampasaherong tren
KalagayanTumatakbo
LokasyonTokyo
Operasyon
Binuksan noongMarso 14, 2015
(Mga) NagpapatakboJR East
Teknikal
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)

Ang Linyang Ueno–Tokyo (上野東京ライン, Ueno–Tōkyō Rain), na dating kilala bilang Kumukonektang Linyang Tōhoku (東北縦貫線, Tōhoku-Jūkan-sen), ay isang linya ng riles sa Tokyo, Hapon, na pinapatakbo ng kumpanyang riles na East Japan Railway Company (JR East), na kinukunekta ang Himipilan ng Ueno at Himpilan ng Tokyo, na nagpapalawak ng mga serbisyo ng Linyang Utsunomiya, ang Linyang Takasaki, at ang Linyang Joban patungong timog at papunta sa Pangunahing Linyang Tokaido[1][2] at pabalik. Nagsimula ang proyekto noong Mayo 2008.[3] Binuksan ang linya noong Marso 14, 2015 sa isang nabagong tinakdang talaorasan,[4] at nagkakahalaga ang proyekto ng JPY 40 bilyon.[1]

Inasahan ang diretsong paglalakbay upang mapagaan ang kasikipan sa Linyang Yamanote at Linyang Keihin-Tōhoku, at nabawasan ang oras ng paglalakbay ng 7 hanggang 10 minuto dahil sa mga tuluy-tuloy na mga tren sa pagitan ng mga linya ng Utsunomiya at Takasaki at Pangunahing Linya ng Tokaido gayun din ang mga tuluy-tuloy na tren na bumabagtas sa Himpilan ng Shinagawa sa Linyang Joban.[3] Tinatayang mayroon itong mga 320,229 mananakay sa bawat araw noong 2015.[5]

Ang grapiko na naglalarawan ng ruta ng Linyang Ueno-Tokyo. Ipinapakita ng mga linyang gatlang ang 1.3 km viaduct o mataas na tulay (nakumpleto na ngayon) upang dalhin ang mga Linyang Utsunomiya at Jōban sa itaas ng ruta ng Shinkansen (kulay abo) na bumagtas sa orihinal sa pamamagitan ng linyang malapit sa Himpilan ng Kanda.

Simula sa Himpilan ng Ueno, kabilang sa proyekto ang muling paglatag ng mga 2.5 km ng umiiral na mga riles.[3] Nakonekta muli ang puwang ng isang bagong 1.3 km[3] ibabaw na kubyerta sa viaduct o mataas na tulay ng Shinkansen malapit sa Himpilan ng Kanda na may mga rampa sa magkabilang dulo mula sa umiiral na mga pagkakaayos.[6] Ginawa ang probisyon habang ginawa ang konekta sa Shinkansen para sa kalaunang pagpapanumbalik ng tuluy-tuloy na trapiko sa mga Linyang Tohoku.[7] Nagtayo ang JR East ng mga pasilidad sa pag-iikot ng tren sa HImpilan ng Shinagawa sa Linyang Tokaido, na nagpapahintulot sa walang-hintong tren mula sa Ueno na tumigil doon at bumalik sa hilaga.[1]

Walang tigil na tumatakbo ang mga tren mula sa Linyang Utsunomiya, Linyang Joban, at Linyang Takasaki sa pagitan ng mga himpilan ng Ueno at Tokyo at nagpapatuloy sa Linyang Tokaido patungo sa Shinagawa (Lahat ng mga tren na umaalis sa Linyang Joban ay natatapos doon), Yokohama,[8] Ofuna, Hiratsuka, Kōzu, Odawara, Atami, Numazu sa Pangunahing Linya ng Gitnang Tokaido ng JR at Ito sa Linyang Itō. Sa una, hanggang sa 15 mga serbisyo bawat oras ang tumatakbo sa oras ng rurok ng umaga, na nadagdagan sa 20 bawat oras noong 2016.[9] Ang limitadong mga serbisyong ekspres ng Linyang Joban ay limitado ang serbisyo (Hitachi limit-stop at ang Tokiwa semi-fast) ay pinahaba sa timog ng Ueno sa pamamagitan ng Linyang Ueno-Tokyo, na karamihan sa mga serbisyo ay natatapos sa Himpilan ng Shinagawa.[10]

Sa kasalukuyan, ang pinakamahabang paglalakbay ng Linyang Ueno-Tokyo ay ang lokal na tren na tumatakbo sa pagitan ng Atami at Kuroiso. Ang kabuuang haba ay 267.9 km at ang oras ng paglalakbay ay halos 4 na oras at 40~45 minuto.[11][12] Tumatakbo ito sa 5 prepektura (Shizuoka, Kanagawa, Saitama, Ibaraki at Tochigi) sa kabuuan at sa Kalungsuran ng Tokyo.

Isang rekomendasyon ng isang lupon ng pamahalan noong 2000 ang nagmungkahi na ibalik ang koneksyon sa pagitan ng Ueno at Tokyo sa taong 2015, at opisyal na inihayag ni JR East na nakuha nila ang proyekto.[3] Orihinal na nakatakdang matapos ang proyekto noong piskal na taon ng 2013, ngunit ang pagkumpleto ay naantala dahil sa mga epekto ng lindol at tsunami sa Tōhoku noong 2011.[9]

Tala ng himpilan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Opisyal na pangalan ng Linya Blg. Himpilan Hapones Distansya (km) Utsunomiya/Takasaki–Tōkaidō Linyang Jōban Mga paglipat Mga lokasyon
Sa pagitan ng mga

himpilan
Mula sa

Tokyo
Sa loob ng mga linyang Utsunomiya at Takasaki (serbisyong tuluy-tuloy): Lokal Lokal Mabilis
RabbitUrban
 
Pangunahing Linyang Tōhoku
OMYJU07
Ōmiya 大宮 - 30.5  
  • ■ Tohoku Shinkansen
  • ■ Hokkaido Shinkansen
  • ■ Yamagata Shinkansen
  • ■ Akita Shinkansen
  • ■ Joetsu Shinkansen
  • ■ Hokuriku Shinkansen
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK47)
  • JS Linyang Shōnan-Shinjuku (JS24)
  • JA Linyang Saikyō (JA26)
  • Linyang Kawagoe
  • TD Linyang Liwasang Urbano ng Tobu (TD-01)
  • New Shuttle
Baryo o Ward ng Ōmiya Lungsod ng Saitama Prepektura ng Saitama
JU06 Saitama-Shintoshin さいたま新都心 1.6 28.9 |
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK46)
URWJU05
Urawa 浦和 4.5 24.4
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK43)
  • JS Linyang Shōnan-Shinjuku (JS23)
Baryo o Ward ng Urawa
ABNJU04
Akabane 赤羽 11.0 13.4
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK38)
  • JS Linyang Shōnan-Shinjuku (JS22)
  • JA Linyang Saikyō (JA15)
Lungsod ng Kita Tokyo
JU03 Oku 尾久 5.0 8.4 |  
NPRJJ02
Nippori 日暮里 2.6 5.8 | | |
  • JY Linyang Yamanote (JY07)
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK32)
  • KS Pangunahing Linyang Keisei (KS02)
  • Liner ng Nippori-Toneri
Lungsod ng Arakawa
UENJU02JJ01 Ueno 上野 2.2 3.6
  • ■ Tohoku Shinkansen
  • ■ Hokkaido Shinkansen
  • ■ Yamagata Shinkansen
  • ■ Akita Shinkansen
  • ■ Joetsu Shinkansen
  • ■ Hokuriku Shinkansen
  • JY Linyang Yamanote (JY05)
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK30)
  • G Linyang Tokyo Metro Ginza (G-16)
  • H Linyang Tokyo Metro Hibiya (H-17)
  • KS Pangunahing Linyang Keisei (Keisei Ueno: KS01)
Lungsod ng Taitō
TYOJU01
Tokyo 東京 3.6 0.0
  • ■ Tohoku Shinkansen
  • ■ Hokkaido Shinkansen
  • ■ Yamagata Shinkansen
  • ■ Akita Shinkansen
  • ■ Joetsu Shinkansen
  • ■ Hokuriku Shinkansen
  • JY Linyang Yamanote (JY01)
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK26)
  • JC Linyang Chūō (JC01)
  • JO Linyang Yokosuka (JO19)
  • JO Linyang Sōbu (JO19)
  • JE Linyang Keiyō (JE01)
  • ■ Tokaido Shinkansen
  • M Linyang Tokyo Metro Marunouchi (M-17)
Lungsod ng Chiyoda
Pangunahing Linyang Tōkaidō
TYOJT01
SMBJT02
Shimbashi 新橋 1.9 1.9
  • JY Linyang Yamanote (JY29)
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK24)
  • JO Linyang Yokosuka (JO18)
  • G Linyang Tokyo Metro Ginza (G-08)
  • A Linyang Toei Asakusa (A-10)
  • Yurikamome (U-01)
Lungsod ng Minato
SGWJT03
Shinagawa 品川 4.9 6.8
  • JY Linyang Yamanote (JY25)
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK20)
  • JO Linyang Yokosuka (JO17)
  • ■ Tokaido Shinkansen
  • KK Pangunahing Linyang Keikyū (KK01)
KWSJT04
Kawasaki 川崎 11.4 18.2  
Baryo o Ward ng Kawasaki Lungsod ng Kawasaki Prepektura ng Kanagawa
YHMJT05
Yokohama 横浜 10.6 28.8
  • JK Linyang Keihin-Tōhoku (JK12)
  • JK Linyang Negishi (JK12)
  • JO Linyang Yokosuka (JO13)
  • JS Linyang Shōnan-Shinjuku (JS13)
  • TY Linyang Tōkyū Tōyoko (TY21)
  • KK Pangunahing Linyang Keikyū (KK37)
  • Pangunahing Linyang Sōtetsu (SO-01)
  • Linyang Asul ng Munisipyong Subway ng Yokohama (B20)
  • Linyang Minatomirai (MM01)
Baryo o Ward ng Nishi Lungsod ng Yokohama
TTKJT06
Totsuka 戸塚 12.1 40.9
  • JO Linyang Yokosuka (JO10)
  • JS Linyang Shōnan-Shinjuku (JS10)
  • Linyang Asul ng Munisipyong Subway ng Yokohama (B06)
Baryo o Ward ng Totsuka
OFNJT07
Ōfuna 大船 5.6 46.5
  • JK Linyang Negishi (JK01)
  • JO Linyang Yokosuka (JO09)
  • JS Linyang Shōnan-Shinjuku (JS09)
  • Monorail ng Shonan Linyang Enoshima
Lungsod ng Kamakura
Sa loob ng linyang Tōkaidō (serbisyong tuluy-tuloy): Lokal Mabilis
Acty
Lokal  

Mga pagpapabuti sa hinaharap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Enero 2014, ipinahayag ng pangulo ng JR East na si Tetsuro Tomita na isinasaalang-alang ng kumpanya ang posibilidad na maiugnay ang Linyang Ueno-Tokyo sa hinaharap na may isang bagong direktang linya ng pagpasok sa Paliparan ng Haneda.[13] Bagaman nagkaroon ng talakayan sa pagkumpleto ng ekstensyon na ito bago ang Palarong Olimpiko ng 2020, ang plano naisantabi noong 2015 na walang binagay na takdang panahon ng pagsimula ng pagpapabuti.[14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 JR East Annual Report 2010, hinango noong 2013-12-09 (sa Ingles)
  2. 東北縦貫線の開業時期、愛称について [Details of Tōhoku Through Line opening schedule and nickname] (PDF). News release (sa wikang Hapones). Hapon: East Japan Railway Company. 9 Disyembre 2013. Nakuha noong 9 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "Construction of Ueno-Tokyo Line" (PDF) (sa wikang Ingles). JR East Construction Department. Oktubre 2015. Nakuha noong 2019-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. 「上野東京ライン」2015年3月14日開業 [Ueno-Tokyo Line to open on 14 March 2015]. Tetsudo Hobidas (sa wikang Hapones). Hapon: Neko Publishing Co., Ltd. 30 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2018. Nakuha noong 30 Oktubre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "平成27年 大都市交通センサス 首都圈報告書" (PDF). P.92 (sa wikang Hapones). 国土交通省.
  6. 宇都宮・高崎・常磐線の東京駅乗り入れ工事の着手について [Details of start of construction for Utsunomiya Line, Takasaki Line, and Joban Line through services to Tokyo] (PDF). News release (sa wikang Hapones). Hapon: East Japan Railway Company. 26 Marso 2008. Nakuha noong 9 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "We must create our own core competences". News (sa wikang Ingles). Railway Gazette International. 1 Oktubre 1999. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Disyembre 2017. Nakuha noong 9 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Japan Railway & Transport Review No. 49 (pp.18–24) Naka-arkibo 3 March 2016 sa Wayback Machine. hinango noong 2009-05-15 (sa Ingles)
  9. 9.0 9.1 JR東日本:東京−上野の新線 愛称を「上野東京ライン」 [JR East names new line between Tokyo and Ueno "Ueno-Tokyo Line"]. Mainichi Shimbun (sa wikang Hapones). Hapon: The Mainichi Newspapers. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-09. Nakuha noong 9 Disyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 「上野東京ライン」開業により、 南北の大動脈が動き出します [North–south artery comes into operation with opening of Ueno–Tokyo Line] (PDF). News release (sa wikang Hapones). Hapon: East Japan Railway Company. 30 Oktubre 2014. Nakuha noong 30 Oktubre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "The JR Ueno-Tokyo Line for Tokyo, Shinagawa, Yokohama, Odawara, and Atami – Ueno Station". www.uenostation.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  12. "The JR Utsunomiya Line for Omiya, Utsunomiya and Nasushiobara – Ueno Station". www.uenostation.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  13. JR東、羽田新路線を北関東と直結 東北縦貫線との接続検討 [JR East considering connecting new Haneda line to Ueno-Tokyo Line to provide link to northern Kanto]. SankeiBiz (sa wikang Hapones). Hapon: Sankei Digital Inc. 10 Enero 2014. pp. 1–2. Nakuha noong 10 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "東京五輪、羽田への鉄道新線はなし 国交省 既存路線で対応". Nihon Keizai Shimbun (sa wikang Hapones). 1 Hulyo 2015. Nakuha noong 2 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]