[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Lucca

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Lucca.


Isang mapang nagpapakita ng posisyon ng mga lalawigan ng Tuskanya.

Ang Lucca ay isang lalawigan sa rehiyon ng Toscana sa Italya. Ang lungsod ng Lucca ang kabisera nito.

Ito ay may lawak na 1,773 square kilometre (685 mi kuw) at isang kabuuang populasyon na humigit-kumulang 390,000. Mayroong 33 comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan.[1]

Matatagpuan sa hilagang-kanlurang baybayin ng Italya, sa loob ng Toscana, may hangganan ang Lucca sa Dagat Liguria sa kanluran, ang mga lalawigan ng Massa at Carrara sa hilagang-kanluran, Pisa sa timog, Pistoia sa hilagang-silangan at Kalakhang Lungsod ng Florencia sa silangan. Sa hilaga ito ay sumasaklaw sa rehiyon ng Emilia-Romaña (Mga Lalawigan ng Reggio Emilia at Modena). Ang daan patungo sa Dagat Liguria ay sa pamamagitan ng mga munisipalidad tulad ng Torre del Lago, Viareggio, at Forte dei Marmi. Ito ay nahahati sa apat na lugar; Piana di Lucca, Versilia, Media Valle del Serchio, at Garfagnana.[2] Kilala ang Versilia sa mga malalawak nitong dalampasigan, at may mga dalampasigang dune at wetlands sa Liwasang Pangkalikasan ng Migliarino-San Rossore-Massaciuccoli. Ang mga pangunahing resort ng lalawigan ay matatagpuan sa Viareggio, Lido di Camaiore, Pietrasanta, at Forte dei Marmi. Ang Garfagnana ay kilala sa mga makahoy na burol at mga puno ng olibo.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Official website (sa Italyano)
  2. "Territorio" (sa wikang Italyano). Provincia.lucca.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2010. Nakuha noong 29 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Lucca". Italia.it. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Nobiyembre 2017. Nakuha noong 29 September 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)

Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.