[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

La Niña

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang La Niña ay isang pinagpisang kababalaghan o penomenong pangkaragatan at panghimpapawid na katapat ng El Niño bilang bahagi ng mas malawak na gawi o padron ng klimang El Niño–Southern Oscillation. Sa loob ng panahon ng La Niña, ang temperatura ng ibabaw ng dagat sa kahabaan ng pang-ekwador na Silanganing Gitnang Karagatang Pasipiko ay magiging mas mababa ng 3-5 mga gradong Celsius kaysa normal. Sa Estados Unidos, ang isang yugto ng La Niña ay nilalarawan bilang isang panahon ng hindi bababa sa 5 mga buwan ng mga kalagayang La Niña conditions. Nagmula ang pangalang La Niña buhat sa salitang Kastila na nangangahulugang "ang batang babae", na may pagkakahalintulad sa El Niño na may ibig sabihing "ang batang lalaki".

Ang La Niña, minsang impormal na tinatawag bilang "laban sa El Niño" o "anti-El Niño" sa Ingles, ay ang kabaligtaran ng El Niño, kung saan ang huli ay tumutugma sa mas mataas na temporatura ng ibabaw ng dagat na may pagtaliwas na hindi bababa sa 0.5 °C, at ang mga epekto nito ay kadalasang kabaligtaran ng mga mula sa El Niño. Tanyag ang El Niño dahil sa malamang na nakakapinsalang malaking talab nito sa weather na nasa kahabaan ng mga dalampasigan ng Tsile at ng Australya. Bilang dagdag, karaniwang nauunahan ang La Niña ng isang malakas na El Niño.

Mga epekto ng La Niña

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihang nakakasanhi ang La Niña ng taliwas na mga epekto ng El Niño. Halimbawa na, makapagdudulot ang El Niño ng panahon ng tagtuyot sa Gitnang-kanluran ng Estados Unidos, habang karaniwang makapagsasanhi ng panahon ng pag-ulan sa pook na ito.

Meteorolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Meteorolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.