Locana
Locana | |
---|---|
Comune di Locana | |
Mga koordinado: 45°25′N 7°28′E / 45.417°N 7.467°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Kalakhang lungsod | Turin (TO) |
Mga frazione | Rosone, Boschietto, Bosco, Fornolosa, Gavie, Gurgo, Montigli, Nusiglie, Praie, Serlone |
Pamahalaan | |
• Mayor | Giovanni Bruno Mattiet |
Lawak | |
• Kabuuan | 132.52 km2 (51.17 milya kuwadrado) |
Taas | 613 m (2,011 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 1,450 |
• Kapal | 11/km2 (28/milya kuwadrado) |
Demonym | Locanesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 10080 |
Kodigo sa pagpihit | 0124 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Locana ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Turin sa rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 45 kilometro (28 mi) hilagang-kanluran ng Turin sa Lambak ng Orco. Noong unang bahagi ng dekada 1900 ang bayan ay may humigit-kumulang 7,000 residente. Noong 2019 ang populasyon ay bumaba sa 1,500.[4]
Ang Locana ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Cogne, Ronco Canavese, Noasca, Ribordone, Sparone, Chialamberto, Cantoira, Corio, Monastero di Lanzo, at Coassolo Torinese. Ang comune ay bahagi ng Pambansang Liwasan ng Gran Paradiso, na nagtataglay ng serye ng maliliit na alpinong lawa at glasyer; Kabilang sa mga taluktok sa lugar ang Torre del Gran San Pietro (3,692 m). Matatagpuan din sa malapit ang Lawa ng Ceresole.
Noong 2019, inihayag ng alkalde, Giovanni Bruno Mattiet, na magbabayad ang munisipalidad ng Locana sa mga pamilya ng hanggang €9,000, (₱541,000) sa loob ng tatlong taong yugto para lamang sa paglipat sa nayon. Upang maging kuwalipikado ang mga pamilya ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa isang anak at taunang kita na €6,000 (₱360,000). Layunin nitong pigilan ang pagkawala ng mamamayan bayan, dahil bawat taon sa bayan ay 10 lamang ang ipinapanganak ngunit 40 ang namamatay. Ang alok ay una lamang para sa mga Italyano o mga dayuhan na nakatira na sa Italya, ngunit ang programa ay pinalawig upang isama rin ang mga dayuhan na naninirahan sa labas ng Italya.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
- ↑ Marchetti, Silvia (2019-01-26). "Italian town will pay you $10,000 to move in". CNN Travel (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marchetti, Silvia (2019-01-26). "Italian town will pay you $10,000 to move in". CNN Travel (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)Marchetti, Silvia (2019-01-26).