[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Odin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Odin.

Sa mitolohiyang Nordiko, si Odin ang hari ng mga Nordikong diyos na may iisang mata lamang. Bukod sa pagiging Haring Diyos, siya rin ang Diyos ng Digmaan at Diyos ng Karunungan. Sa Aleman, kilala siya bilang Waton.[1]

Naghahari sa daigdig si Odin mula kanyang trono. Sa magkabilang mga balikat, may dalawang mga uwak na nagngangalang Hugin at Munin. Nangangahulugang "isipan" ang Hugin, samantalang "alaala" naman ang Munin. Sa araw-araw at tuwing umaga, lumilipad ang dalawang mga uwak sa palibot ng daigdig. Sa kanilang pagbabalik, iniuulat nila kay Odin ang mga kabatiran hinggil sa mga nabubuhay at mga namamatay. Sa paanan naman ni Odin, habang nakaupo sa kanyang trono, mayroong dalawang mga lobo.[1]

Dahil sa pagkawala ng isang mata, nagsusuot si Odin ng isang malaking ginintuang helmet na hinihila niyang paibaba upang maikubli ang kapansanan. Nawala ang isang mata ni Odin dahil kinailangan niyang magkamit ng karunungan upang makapaghari ng mainam. Nakuha niya ang karunungan mula sa pag-inom sa isang balon ng karunungan na binabantayan ni Mimir, isang higante. Walang kaabug-abog na dinukot ni Odin ang isa sa kanyang mga mata nang hingin ito ni Mimir bilang kapalit ng pag-inom ng tubig mula sa balon ng karunungan.[1]

Asawa ni Odin si Frigga, ang reyna ng mga diyos. Si Thor ang anak nilang lalaki, na Diyos ng Kulog.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Odin". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Norse Mythology, pahina 277-278.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.