[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Jean Lafitte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jean Lafitte
Kapanganakan1776
  • (Labourd, French Basque Country, Pyrénées-Atlantiques, Nouvelle-Aquitaine, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan1826
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahoentrepreneur

Si Jean Lafitte (c. 1776 – c. 1823) ay isang pirata at pribaterong (korsaryo) Pranses sa Tangway ng Mehiko noong kaagahan ng ika-19 daantaon. Siya at ang kaniyang mas nakatatandang kapatid na lalaking si Pierre ay nagbabaybay ng kanilang apelyido bilang Laffite, subalit ang mga kasulatang nasa wikang Ingles noong kanilang kapanahunan ay gumagamit ng baybay na "Lafitte", isang naging pangkaraniwang pagbabaybay sa Estados Unidos, kabilang na ang mga pook na pinangalanan para sa kaniya.

Pinaniniwalaang si Lafitte ay maaaring ipinanganak sa Pransiya o sa kolonyang Pranses ng Saint-Domingue. Pagsapit ng 1805, nagpatakbo siya ng isang bodega sa New Orleans upang makatulong sa pagpapakalat ng mga kontrabandong kalakal ng kaniyang kapatid na lalaking si Pierre Lafitte. Pagkaraang ipasa ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Batas sa Embargo ng 1807, inilipat ng mga Lafitte ang kanilang mga gawain sa isang pulo na nasa Look ng Barataria, Louisiana. Pagsapit ng 1810, ang kanilang bagong puwerto ay naging napaka matagumpay; ipnagpatuloy ang mga Lafitte ang kanilang matagumpay na pangangalakal ng mga kontrabando at nagsimula ring lumahok sa pandarambong.

Bagaman sinubok ni Lafitte na bigyan ng babala ang Barataria hinggil sa isang paglusob ng mga Britaniko, matagumpay na nakalusob ang mga may-kapangyarihang Amerikano noong 1814 at nadakip ng mga ito ang karamihan sa mga pulutong na barko ni Lafitte. Bilang kapalit ng pagpapaumanhin, tinulungan ni Lafitte si Heneral Andrew Jackson na ipagtanggol ang New Orleans laban sa mga Britaniko noong 1815. Ang mga Lafitte ay naging mga espiya para sa mga Kastila noong panahon ng Mehikanong Digmaan ng Kalayaan at lumipat sa Pulo ng Galveston, Texas, kung saan nakapagpaunlad sila ng isang kolonya ng mga tulisan na tinawag bilang Campeche.

Nagpatuloy si Lafitte sa pag-atake ng mga barkong pangkalakalan bilang isang pirata sa paligid ng mga daungan ng Gitnang Amerika hanggang sa mamatay siya noong humigit-kumulang sa 1823, habang tinatangkang dumakip ng mga sasakyang-dagat na Kastila. Nagpapatuloy pa rin ang mga haka-haka ng mga manunulat ng kasaysayan hinggil sa kaniyang buhay at kamatayan.


TalambuhayPransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.