[go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

James Calata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
James Calata
Kapanganakan22 Hulyo 1895
    • Debe Nek
  • (Amahlathi Local Municipality, Amathole District Municipality, Eastern Cape, Timog Aprika)
Kamatayan16 Hunyo 1983
    • Cradock
  • (Inxuba Yethemba Local Municipality, Chris Hani District Municipality, Eastern Cape, Timog Aprika)
MamamayanTimog Aprika
Trabahopolitiko

Si Reberendo James Arthur Calata (ipinanganak sa Debe Nek, King Williamstown noong 22 Hulyo 1895 - namatay sa Cradock noong 16 Hunyo 1983) ay isang paring Angglikano at aktibistang pampolitika na naging Sekretaryo-Heneral ng Pambansang Kongreso ng Aprika (African National Congress o ANC) noong dekada ng 1940: mula 1936 hanggang 1949.[1] Siya ang nagreorganisa ng Pambansang Kongreso ng Aprika, na bago ang pagiging Sekretaryo-Heneral ni Calata ay nagkaroon lamang ng maliit na tanda ng pagsulong. Si Calata ang nagpabago ng Kongresong ito upang maging isang malakas na partidong makabayan o nasyunalista.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rev. James Arthur Calata, South African History Online.
  2. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO FORMED THE AFRICAN NATIONAL CONGRESS?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 40.


TalambuhayKasaysayanAprika Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.